Patrick ramdam na ramdam na ang pagiging tatay

Kauna-unahang gumanap bilang ama si Patrick Garcia sa teleseryeng Apoy sa Dagat at ngayon ay isang ama na naman ang papel ng aktor sa Annaliza.

Wala raw isyu sa aktor kung nalilinya man siya sa nasabing role sa kanyang mga proyekto. “It’s good to be back home and to be given a chance again to play a father role, siyempre nakakatuwa. Kasi it’s a new thing for me and I am personally also a father so in a way nakaka-relate ako sa mga ganun,” bungad ni Patrick.

Nae-enjoy daw ng aktor ang pagiging ama sa mga proyekto lalo pa’t dalawa na rin ang kanyang anak sa totoong buhay. Apat na taon na ngayon ang anak nina Patrick at Jennylyn Mercado na si Jazz at tatlong buwan na ang bunsong anak ng aktor na si Chelsea sa isang non-showbiz girl. “Masaya ‘yung feeling siyempre na nandoon ka sa pregnancy at doon sa panganganak nandoon ka na every step of the way, ang sarap ng feeling. Mas napi-feel mo talaga ‘yung pagiging father. Hindi ko kasi na-experience ‘yun with Jazz eh. Pero sana na-experience ko. At least I was given the chance to experience what it was like. Mas na-involve ka sa bata, siyempre mas masaya ‘yung feeling,” paliwanag ni Patrick.

Malaki raw ang nabago sa pagiging aktor ni Patrick mula nang maging isang ganap na ama siya. “Siyempre being an actor, you never stop learning and siyempre with age also, you have to act your age. Sometimes you have to act a little bit older than your age,” giit ng aktor.

Jodi at Richard, di pa alam kung ikakasal

Nasubaybayan ng mga manonood ang pagmamahalan nina Maya at Ser Chief sa teleseryeng Be Careful With My Heart. Masayang-masaya ang mga pangunahing bida na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap dahil sa patuloy na pagsuporta ng kanilang mga tagahanga sa kanilang tambalan. “Well ako honestly happy ako for Maya and Ser Chief siyempre lumevel up na sila ‘di ba? I’m sure gustung-gusto ‘yun ni Maya kasi matagal niya nang inaasam ‘yun. Saka nakakatuwa kasi ‘yun din naman ang gusto ng mga manonood natin ‘di ba? ‘Yun din inaabangan nila so kung ano man ‘yung gusto nila ‘yun ‘yung ibibigay natin sa kanila,” nakangiting pahayag ni Jodi.

Sa ngayon ay hindi pa raw alam kung ano ang magiging tawagan nina Maya at Ser Chief sa isa’t isa. “Nade-develop pa lang ‘yang tawagan na ‘yan, pag-uusapan pa namin ‘yan,” pahayag ni Richard.

Ngayong opisyal nang magkarelasyon sina Maya at Ser Chief ay marami na ang nagtatanong kung mauuwi ba sa pag-iisang dibdib ang pagmamahalan ng dalawa. “Depende sa takbo ng istorya, depende. ‘Yun ang dapat nilang abangan,” maikling sagot ni Jodi. -Reports from JAMES C. CANTOS

                      

 
 

Show comments