Movie nina Sarah at John Lloyd naka-410M: It Takes a Man and a Woman pinataob na ang Sisterakas!

MANILA, Philippines - Tinalo na ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na It Takes a Man and a Wo­man ang pelikulang Sisterakas sa pagiging Highest Grossing Filipino Movies of All-Time.

Ayon sa Box-Office Mojo, kumita na ang third team-up movie nila John Lloyd-Sarah ng P410 million sa pinakahuling week na palabas ito sa mga sinehan.

Nasa ikalawang posisyon na ang Sisterakas na kumita ng P391 million noong 2012.

Nasa Top 10 highest grossing Filipino Movies nga rin ang dalawa pang pelikula nina John Lloyd at Sarah: A Very Special Love at #8 (P179.24 million, 2008) at You Changed My Life at #7 (P225.21 million, 2009).

Kung walang makakatalo sa kinita ng It Takes a Man and a Woman, kasado na this early pa lang ang pagiging Box-Office King and Queen ng dalawang bida para sa taong 2013.

Patunay lang na willing magbayad ang mga Pinoy sa mga pelikulang gusto nilang panoorin. Kesehodang sinasabi pa nila na hindi na mura ang manood ng sine ngayon.

Young actress, naimbyerna nang sabihang kamukha ang kasamahang young actress!

Hindi inakala ng young actress na magiging big deal para sa isa ring young actress na sabihing magkahawig sila.

Emote ni Young Actress 1 (YA1) na hindi naman sa kanya nanggaling ’yung sinasabing magkahawig sila ni Young Actress 2 (YA2). Galing daw iyon sa mga tao sa loob ng dressing room dahil nagkataon na halos pareho ang kulay ng mga suot nilang damit at pareho pa sila ng kulay at ayos ng buhok.

Ngumiti lang daw si YA1 at nag-thank you sa mga nakapansin. Pero si YA2 raw ay mukhang hindi natuwa at sumimangot lang ito at lumabas ng dres­sing room.

Pagbalik ni YA2 ay iba na ang kanyang suot at nag-iba ng ayos ng buhok. At doon na nakaramdam ang mga tao sa dressing room na may tension na nagaganap kaya quiet na lang ang lahat noong pumasok na si YA2 na iba na ang hitsura.

Para naman kay YA1 ay wala iyon at natutuwa pa siyang sinasabing magkahawig sila at para raw silang kambal ni YA2. Pero mukhang hindi ina-appreciate ng isa at lumipat siya sa isang sulok ng dressing room at lumayong makatabi si YA1.

Ramdam ng mga tao sa loob ng dressing room ang insecurity ni YA2 kay YA1.

Dahil kaya sa bonggang atensiyon na binibigay ngayon kay YA1 ng network dahil mabentang-mabenta ito ngayon kumpara kay YA2?

Lesbian film nanalo sa Main Competition Pinoy films sa Cannes filmfest walang napanalunan kahit pinuri-puri ng mga kritiko

Walang naiuwi na tropeo ang mga Filipino film na nakapasok sa Un Certain Regard section ng 66th Cannes International Film Festival.

Ang pelikulang The Missing Picture from Cambodia and directed by Rithy Pan ang nakakuha ng top prize sa naturang festival.

Ang Palestinian film naman na Omar na dinirek ni Hany Abu-Assad ang nakakuha ng Jury Prize. Samantalang ang French film na Stranger By The Lake ni Alain Guiraudie ang nakakuha ng directing award.

Para naman sa A Certain Talent Prize, nakuha ito ng Mexican film na The Golden Cage. Ang Avenir Prize naman ay nakuha ng American film na Fruitvale Station.

Despite sa mga glowing review mula sa mga film critic, na-snub ang four-hour epic ni Lav Diaz na Norte, Hangganan ng Kasaysayan.

Sinulat ng British critic na si Kieron Corless ng Sight & Sound international film magazine: “Lav Diaz’s Dostoyevskian epic Norte, End of History should surely have been competing for top honours in this year’s festival.”

Sa Main Competition ng Cannes, nanalo ay ang controversial lesbian film ng France na Blue is the Warmest Color.

Sa Director’s Fortnight section na entry ang OTJ: On the Job ni Erik Matti, ang nagwagi ay ang American film na Blue Ruin.

Show comments