Aktibista magkaka-pelikula na
Bukod sa kanyang pangalan ay wala na tayong ibang alam pa tungkol sa matabang babae na wala na yatang ginawa kundi ang punahin ang mga kamalian ng mga namumuno sa ating pamahalaan, kasama na ang ating pangulo. Siya si Juana Change, sa katauhan ni Mae Paner, bunga siya ng kaisipan ng ilang grupo ng artists at activists na sa kawalan ng pera ay nakaisip gumawa ng mga maliliit na video sa Internet para mapanood.
Tinawag siyang Juana Change, isang agent for social change. Dalawa ang maaaÂring ipakahulugan sa kanyang pangalan. Ang isa na Wanna Change ay nangangahulugan ng isang malaking pagbabago sa Philippine politics and society. Ang ikalawa na Wa Na Change ay nangangahulugan naman ng wala nang pagbabago.
Apat na taon nang nalikha si Juana Change at isa na itong movement na binubuo ng mga volunteer at artist dedicated to utilizing media laban sa corruption, exploitation, at social injustice.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap at makilala ng lubusan ang tinatawag na Juana Change nang maimbita ako ng Solar Films para sa promosyon ng Juana C: The Movie na ang nasabing kumpanya ang magri-release dahil indie film ang unang pelikula ni Juana/Mae.
Hindi na ganun kataba ang kilalang personality sa tunay na buhay. Ipinagmalaki niyang kulang-kulang sa 100 lbs. na ang nababawas sa kanyang timbang simula nang magÂdiyeta siya. Ginusto niya ito para naman maipakita niya na pati sa kanyang pisikal na kaanyuan ay may pagbabago sa kanya.
Nang tanungin kung wala ba siyang balak pumasok ng pulitika para naman hindi lang siya tira nang tira sa mga kamalian ng marami nating pulitiko, sinabi niyang “Marami ang puwedeng gumawa ng ginagawa nila pero kakaunti lamang ang mga kritiko na tulad ko.â€
Kasama ni Mae sa cast sina John James Uy, Angelina Kanapi, Jelson Bay, Joel Torre, Niño Muhlach, Ronnie Lazaro, at iba pa.
- Latest