Pinasalamatan ng mga kababayan natin ang Brazilian author na si Paulo Coelho dahil sa pagtaÂtanggol sa ating mga Filipino kay Dan Brown. MaÂÂrami ang nag-RT o retweet sa tweet ni Coelho na: “Dear Filipinos, your souls lead to the gates of heaven #fact.â€
May nauna itong tweet: “My tweet to Filipinos: AnoÂther author, I am sure unintentionally, described Manilla as ‘the gates of hell’ in his new & successful book.â€
Ang Inferno ni Dan Brown na nga ang tinutukoy nito.
Maraming mga Pinoy ang favorite author si Coelho dahil sa mga libro nitong The Alchemist, Eleven Minutes, Veronika Decides to Die, The PilgriÂmage, ang pinaka-latest ay ang Manuscript Found in Accra, at marami pang iba.
Nadine ibinuyangyang na ang relasyon sa anak ni Isabel Rivas
Tinupad ni Nadine Samonte ang ipinangako sa press na kapag naging sila na ng boyfriend niya ngaÂyon, aaminin din niya. Kaya lang dahil walang chance na muli siyang ma-interview sa Instagram (IG) na lang inamin ng aktres na sila na ng anak ni IsaÂÂbel Rivas na Richard Chua ang name.
Ang daming pictures nilang dalawa na pinoste ni Nadine, merong magka-holding hands, merong nagwi-wake boarding, merong nakayakap ang biÂnaÂta, at marami pang iba. Sa IG din namin nalamang “boobo†ang terms of endearment ng dalawa.
Twelve years older itong si Richard at nagtatrabaho sa Bureau of Immigration at ang nakakaloka, ang second name ni Richard ay Emerson. Ang ex-boyfriend ni Nadine ay Emerson Chua din ang name! Hindi siya nakaalis sa pangalang ito.
Cheesy ang post messages ni Nadine lately, patunay na in love ito at isa sa pinakahuling post nito: “Throughout your life you’ll meet one guy unlike any other, you can talk to him and never get bored, tell him anything and never be judged. A best friend a boyfriend and a true love. And being in a relationship isn’t about the kissing, dates or showing off. It’s about being with the person that makes you happy and bring the best out of you @rboy_chua love you #myforever #happiness #boobo #inlove #kove.â€
Samantala, ang telemovie na When I Fall In Love ang next project ni Nadine sa TV5 at gaganap siyang isa sa mga anak nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Hindi pa alam kung itutuloy pa ang teleseryeng Minsan May Isang Anak o tuluyan nang kinansela dahil hindi natuloy lumipat si Lovi Poe. Kasama rin sana si Nadine sa cast nito.