^

PSN Showbiz

Kahit si Gretchen ang mas madalas kasama Julia naaalala ang bonding sa pago-grocery kay Claudine

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa nakakausap ni Julia Barretto ang kanyang mga tiyahin tungkol sa kinasangkutan nilang kontrobersiya kamakailan. Partikular na dito ang pag-aaway nina Gretchen at Claudine. Sangkot din sa gulo ng pamilya ang lola ni Julia na si Inday at ilan pang mga anak nito.

“Hindi pa sila nagkakausap about it. I want everything to be okay and calm muna between the magkakapatid. Hindi ko ’yun problema. It’s not for me to fix and talk about. Sa kanila ’yun, ang saya-saya ko,” bungad ni Julia.

Mas madalas ngayon na nakakasama ng dalaga ang tiyahing si Gretchen pero hindi nangangahulugang nawala nang tuluyan ang pakikitungo ni Julia sa tiyahing si Claudine.

“Hindi naman siya nawala. I’m not going to say na nawala (ang pakikitungo kay Claudine),” paliwanag ni Julia.

Naaalala pa niya ang mga panahong madalas silang magkasama ni Claudine.

“We used to be with her everyday, house everyday, grocery everyday. ’Yun talaga ’yung pinakamasaya with her, ’yung mga bonding. Super close talaga,” kuwento pa ni Julia.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng dalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng ABS-CBN. Si Julia ang gaganap bilang pangunahing bida sa teleseryeng Cofradia na malapit nang mapanood sa Kapamilya Network.

Jovit pinagbago ng Star Magic

Masaya si Jovit Baldivino dahil naging bahagi siya ng pagdiriwang ng ika-21 taong anibersaryo ng Star Magic sa ASAP kahapon. Hindi makapaniwala ang singer na muli siyang nakasama sa espesyal na selebrasyong ito.

“Siyempre hindi ako makapaniwala kasi sa dami namin sa Star Magic eh hindi ko akalain na ako ang makakasama sa prod sa ASAP. Parang nagulat ako nung binigay nila sa akin ito. Last year kasali ako then ngayon hindi ako makapaniwala na kasali ulit ako,” nakangiting pahayag ni Jovit.

Ayon sa binata, masaya siya sa bakuran ng Star Magic dahil sa kakaibang pag-aalaga ng management nito sa kanya.

“Pinakamasarap ’yung pag-aalaga nila sa akin. Ang laki ng pagbabago na ibinigay nila dahil dati sa Batangas nagagawa ko pa ’yung kawalanghiyaan noong hindi pa ako Star Magic like ’yung mga tambay-tambay sa kanto,” natatawang kuwento ni Jovit.

“So, ngayon alagang-alaga kami ng Star Magic. Kapag may tour abroad kasama ako kaya sobrang pasasalamat ko talaga sa kanila,” dagdag pa niya.

Excited na rin si Jovit sa mga susunod na proyektong inilatag sa kanya ng Star Magic.

“Sa September may Canada tour with the Champs ng ASAP. Then sa December sa Italy. Then next year baka maglabas ako ulit ng bagong album,” pagtatapos ng binata.

Tatlong taon na ngayon si Jovit sa showbusiness mula nang manalo siya sa Pilipinas Got Talent Season 1.          

Reports from JAMES C. CANTOS

 

 

 

 

 

 

 

AKO

CLAUDINE

GRETCHEN

JOVIT

JOVIT BALDIVINO

JULIA

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with