Nanay ni Alfred nabawasan ng cancer cells nang manalong Congressman ang anak

Sa July 1 pa gustong magpatawag na congressman ni Alfred Vargas pero hindi niya mapigilan ang mga kaibigan na tinatawag siyang congressman. Guiding factor ng actor-politician ang bilin ng ina na alagaan ang pangalan nila ng kanyang ama na ibinigay sa kanya.

 â€œNangako ako sa mom ko that I’ll be the best public servant at tutuparin ko ‘yun. Sabi ng mom ko dapat manalo ako para mabawasan ang cancer cells niya at nanalo nga ko,” sabi ni Cong. Alfred.

Nakakuha ng 69,000 votes si Alfred at lamang siya ng 43,000 votes sa nakalaban at malaki ang pa­sasalamat nito sa constituents niya na nagtiwala sa kanya. Kapag nakaupo na, uunahin niyang magpatayo ng four barangay high schools, isa sa Bagong Nayon, Barangay Gulod at dalawa pang lugar.

Ayaw pang pag-usapan ni Alfred kung may plano siyang tumakbo ng mas mataas pang posisyon after manungkulan sa Kongreso dahil masyado pang maaga. Hindi pa nga naman siya nakakaupo sa Kongreso ’tapos tatanungin kung balak niyang tumakbo ng higher position.

Pero plano ni Alfred na mag-enroll ng crash course sa National College of Public Administration and Governance sa UP Diliman. Malapit na rin siyang magtapos ng kanyang masters degree.

Samantala, sa Thursday, aalis sina Alfred at ang kanyang pamilya para magbakasyon sa Italy. Ang ganda ng sagot nito sa tanong kung paano siya nakakaiwas sa tukso: â€œKontento na ako sa asawa ko. Nang pinakasalan ko ang misis ko, sa akin parang wala nang gaganda pa sa asawa ko. Ang ganda ng gising ko dahil maganda ang nakikita ko.”

Jeric takot makatanggap ng ‘fat memo’

Ayaw masabihang “healthy” at takot sigurong makatanggap ng “fat memo” si Jeric Gonzales, kaya nagda-diet at nagwo-workout. Effective ang ginagawa ng young actor dahil for three weeks ay six lbs. na ang nabawas sa timbang nito. Kaya nang makita namin sa interview para sa Love & Lies hindi lang katawan ang pumayat, pati mukha nito’y lumiit.

May nabanggit lang si Jeric, minsan daw ay nagsusuka siya ’pag kumakain kaya ang payo sa kanya ng press alalay lang ang pagda-diet at baka maging bulimic siya. Payat nga kung may sakit naman ‘wag na lang.

Samantala, two weeks na lang ang Love & Lies, wala na uling soap ang young actor at umaasang mabigyan uli para mas masanay siya sa acting. Okay sa kanya kahit sino ang makapareha pero dapat i-establish muna ang love team nila ni Thea Tolentino dahil bukod sa may chemistry, may fans na rin sila.

Title ng dating movie ni FPJ bubuhayin ng mga bata ng GMA

Isa sa mga bagong show ng GMA Network, Inc. ang One Day Isang Araw pero hindi ito remake ng movie ni Fernando Poe, Jr. na ganoon din ang title. Original ang story nito at mga bata ang pinakabida.

Narito sina Jillian Ward, Milkach Nacion, Joshua Uy, at Marc Justine Alvarez, ang batang Antonio, anak nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Jennylyn Mercado sa Indio. Sa Saturday primetime raw ang time slot nito at June 15 ang pilot.

Batay sa title ng show ang pangalan ng mga bida na Juan for One, Day for Day, Isay for Isang, at Sunny for Araw. Iba’t ibang direktor daw ang hahawak ng show na hindi pa namin alam kung drama, comedy, dramedy o fantaserye.

Show comments