MANILA, Philippines - Fifteen days mamamalagi sa Misibis Bay, Bacacay, Albay ang buong cast ng isla-serye na Misibis Bay din ang title.
Dito sila sa Bicol nagti-taping at nagpi-pictorial para sa nasabing kauna-unahang isla-serye ng TV5 na eere next month.
Bida sa Misibis Bay sina Ritz Azul, Megan Young, Vin Abrenica, Christopher de Leon, Victor Silayan, Malak So Shdifat, Boots Anson Roa, at Luke Jickain. Direktor nito si Monti Parungao.
Wala namang chance na ma-bore ang buong cast kahit dalawang linggo silang mamamalagi rito sa luxury island dahil bukod sa magta-trabaho sila, makakapagpahinga pa sila. ’Yun nga lang baka tumaba sila dahil pawang masasarap ang mga pagkain sa lugar na ito.
Walang naganap na audition para sa mga role sa isla-serye ng Kapatid Network. Naisip daw talaga ang seryeng ito para kay Ritz.
Si Megan ang magsisilbing kontrabida ng serye. Pero hindi pa nakatali si Megan sa TV5. Ang Star Magic pa rin ng ABS-CBN ang nagha-handle ng career niya, nagkataon lang na wala siyang project sa Kapamilya Network kaya tinanggap niya ang offer na makasama sa Misibis Bay.
Ang Never Say Goodbye ang unang project ng young actress sa TV5.
Kahapon ay nagsimula nang mag-pictorial ang grupo dito sa Misibis.
Sa production pa lang, alam mo nang ginastusan ang palabas na ito ng TV5.
Kim at Maja magpapatalbugan
Mahigit dalawang dekada na pala ang Star Magic – 21 years to be exact. At ngayong araw ay may malaki silang selebrasyon sa ASAP 18 kung saan rarampa ang mga sikat na Kapamilya stars na aabot sa 100. Pangungunahan ito nina Piolo Pascual, Coco Martin, John Lloyd Cruz, Sam Milby, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla.
Meron ding sorpresa ang iba pang Star Magic talents na sina Jodi Sta. Maria, Diether Ocampo, Jake Cuenca, Maja Salvador, Xian Lim, Shaina Magdayao, Paulo Avelino, Erich Gonzales, Jessy Mendiola, Julia Montes, Enrique Gil, Maricar Reyes, Pokwang, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at marami pang iba.
Ipagmamalaki rin nila ang makaÂtindig-balahibong musical spectacle nina Vina Morales, Erik Santos, Jed Madela, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, Richard Poon, Zia Quizon, KZ Tandingan, Bugoy Drilon, at Liezel Garcia kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra na pamumunuan ni Maestro Gerard Salonga.
Meron din silang back-to-back birthday celebration para sa kinakikiligang Ser Chief ng Be Careful With My Heart na si Richard Yap at ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.
At may face-off naman ang Ina, Kapatid, Anak lead stars na sina Kim at Maja; na susundan ng grand launch ng pinakabagong Primetime Bida teleserye na Annaliza na pangungunahan nina Andrea Brillantes, Patrick Garcia, Kaye Abad, Carlo Aquino, Denise Laurel, at Zanjoe Marudo.
Samantala, hindi naman pahuhuli sa pasiklaban ng talento sina Iza Calzado, Nikki Gil, Karylle, at Iya Villania sa kanilang makapigil-hiningang ’50s-inspired dance showcase sa Supahdance.
Abangan din sina Gary Valenciano, Toni Gonzaga, Bamboo, Martin Nievera, at ng ASAP Sessionistas.
Party P best of, papalit pinag-aaralan pa ring maigi
Mapapanood pa rin naman pala ang Party Pilipinas ngayong Linggo. “The Best of†ang kanilang mga ipapakita as in ’yung most remarkable and most memorable episodes mula sa kanilang first mash-ups to this year’s popular hits.
Mapapanood muli ang one-of-a-kind Independence Day opening number led by the bad boy of the dance floor himself, Mark Herras, together with the show’s resident balladeers, Janno Gibbs, Kyla, Jaya, Rachelle Ann Go, Gian Magdangal, Mark Bautista, and Asia’s Songbird, Regine Velasquez.
Balikan naman ang mga kanta ni Barbara Streisand sa VOX na pinangunahan nina Julie Anne San Jose, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Frencheska Farr and Kyla kung saan nagpatalbugan sila sa pagbirit.
Ang the Glam Girls na si Lovi Poe, Carla Abellana, Rhian Ramos, Bianca King, and Heart Evangelista are taking the stage once again with their signature styles.
At ang pinaka-highlight ay ang launching ng Haplos music video ni Alden Richards.
Panoorin din ang unforgettable segments from your favorite love teams, Julie Anne and Elmo Magalona plus real-life sweethearts Marian Rivera and Dingdong Dantes.
Pinag-aaralan pa raw maigi ang papalit sa PP although meron na silang idea pero inaayos nilang mabuti.