Front Row kikilalanin ang bata na trabaho ang pagsisid
MANILA, Philippines - Sa dalampasigan ng Bacoor, Cavite ay may mga batang naninisid ng talaba. Walang kahit na anong proteksiyon sa sarili, wala kahit anong modernong gamit.
Compressor ang tangi nilang baon para makahinga sa pagsisid sa ilalim ng tubig. Sinusuong ang peligro para may pagkakitaan at panlaman tiyan ang kani-kanilang pamilya.
Si Jobert, walong taong gulang, ang pinakabata sa grupo. Nagsimulang manguha ng tahong at talaba noong siya’y pitong taong gulang pa lang. Natuto siyang sumisid dahil sumasama siya sa kanyang ama, kapatid at mga kabarkada na pawang pagsisid rin ang ikinabubuhay.
Ang kita ni Jobert ay ibinibigay niya sa kanyang nanay upang pantustos sa kanilang pangangailangan sa araw-araw.
Ang buong kuwento ng mga batang maninisid ng tahong at talaba ay matutunghayan sa Front Row ngayong Sabado, ika-25 ng Mayo, 9:45 p.m., sa GMA News TV Channel 11.
- Latest