Edgar Allan may matinding pasabog

MANILA, Philippines - Isa na namang nakakatuwang Lokomoko U episode ang dapat panoorin ngayong Linggo.

Tampok si Edgar Allan Guzman sa spoof at gags ngayong Linggo. Samahan siya na alamin kung totoo ang kasabihang kailangan baligtarin ang damit kapag naliligaw. Mapapanood din si Edgar Allan bilang si Vice Gandam sa spoof na pina­ma­gatang Gandang Gabi Boys at makakaharap niya ang ilang mga kontrobersiyal na tao.

Guests this week sina Luke Jickain, Claire Hartell, Jazz Ocampo at ang mga Artista Academy alumni na sila Marvelous, Alberto, at Malak. Tutok lang sa Lokomoko U ngayong Linggo, 11:30 a.m., sa TV5.

Show comments