^

PSN Showbiz

Richard ayaw munang pag-usapan si Sarah, wala pa ring masabi sa susunod na project sa GMA

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa huling dalawang linggo ng Bukod Kang Pinagpala, patuloy pa ring pinag-aagawan ng tatlong ina si Lara (Mona Louise Rey).

Pagkagi­sing ng bagets at nang bumalik ang alaala, nagulat ang tatlo dahil sila pa rin ang hinahanap kaya hindi pa rin alam kung sino sa kanila ang kikilala­ning ina.

PAK: Isa raw sa mga dahilan kung bakit napapayag si Ryza Cenon na mag-pose sa FHM ay para mapatunayan lang na mali ang ikinakalat na intrigang tomboy siya.

Although, marami namang tibo ang nagpa-sexy pero talagang pinagdiinan ni Ryza na isa siyang tunay na babae. Ganun man, minsan daw ay naisip niya, ano kaya ang feeling na maki­pagrelasyon sa girl? Pero naisip lang daw niya iyon at hindi raw niya gagawin ang pumatol sa kapwa babae.

“Siguro mga thirty percent lang ’yun na naisip ko lang pero never po talaga na gagawin kong pumatol sa ganun,” diretsong sagot ni Ryza.

BOOM: Iniiwasan ni Richard Gutierrez na pag-usapan kung ano ang kasunod niya sa GMA 7 pagkatapos ng Love & Lies.

Ngayong araw ang last taping niya sa naturang action serye at malapit na itong matapos. Pagkatapos ay magbabakasyon muna siya kasama ang pamilya.

Hindi niya masabi kung magbabakasyon din ba siya sa Switzerland para muling makapiling si Sarah Lahbati.

“Saka na lang natin pag-usapan ’yan. Nandito tayo for Love & Lies and ayoko munang pag-usapan kung anong nangyayari sa buhay ko ngayon. We have the right time to discuss that,” tipid na pahayag ng aktor.

Hindi naman niya itinatangging nandiyan pa rin ang love niya kay Sarah at puwedeng dalawin naman niya ang girlfriend sa kanyang bakasyon.

vuukle comment

BUKOD KANG PINAGPALA

GANUN

INIIWASAN

MONA LOUISE REY

NIYA

RICHARD GUTIERREZ

RYZA

RYZA CENON

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with