^

PSN Showbiz

Aktres may ipinagmamalaking bossing sa taping kaya parang reyna kung umasta!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

May karapatan raw talagang magtaray ang aktres na nakakontrata sa isang network dahil sa may something sa kanila ng isa sa mga amo ng naturang network. Kamakailan lang daw ito nakumpirma ng source. Kaya naman daw pala kung umasta ang diborsiyadang aktres, parang reyna.

Imagine sa taping daw, nakakapag-request siya ng mga gusto niyang kainin at may sarili siyang lugar.

Nung umpisa raw ay gulat ang marami nitong katrabaho kung bakit ganun si aktres na parang sobrang VIP sa taping. Nagtataka sila sa inaasal nito samantalang hindi na raw naman ito kasikatan. Hanggang madiskubre nga na meron daw special na relasyon ng aktres sa nasabing bossing.

Wow. Kaya naman pala walang makapalag pag nababalitang meron itong nakakaaway sa taping. Kung totoong meron silang something ng bossing, masuwerte ang aktres.

Gerald bitbit si Rayver sa Cannes, Maja naiwan matapos umaming in love siya sa aktres

Pictorial to the max ang magkaibigang Gerald Anderson at Rayver Cruz matapos mag-attend ng Cannes Film Festival. Starring si Gerald sa pelikulang Death March na nag-premiere sa Un Certain Regard Section ng Cannes, pero hindi kasali ang pangalan ni Rayver sa movie. Tanging sina Sid Lucero, Zanjoe Marudo, Sam Milby, Jason Abalos, Jacky Woo, Carlo Aquino, Felix Roco, at Gerald lang ang starring sa movie. Unless extra si Rayver at wala ang name niya sa mga publicity ng Death March.

Meaning kung hindi kasama si Rayver sa movie nilang Death March isinama lang talaga ni Gerald ang kanyang bestfriend sa France. Teka bakit hindi si Maja Salvador ang isinama ni Gerald?

Ito ay matapos aminin ni Gerald sa StarStudio magazine na in love nga siya kay Maja.

“Yes, I’m in love with Maja Salvador. Yes, she’s my girlfriend,” ayon sa aktor sa June issue ng magazine.

Kung sabagay hindi na naman kailangang umamin nang diretsahan dahil obvious na ang kanilang relasyon.

Ms. Redgie Magno, bagong VP for Drama ng GMA Network

Pormal na inanunsyo ng GMA Network ang promotion ni Ms. Redgie A. Magno bilang bagong Vice President for Drama Productions simula noong ika-16 ng Marso nga­yong taon.

Bilang VP for Drama, patuloy na gagabayan ni Magno ang pagbuo ng iba’t ibang drama programs ng GMA habang pina­panga­siwaan nito ang overall function ng Drama Unit.

Naging bahagi ang lady executive ng Kapuso Network ng GMA Entertainment Group noong 1997 bilang Executive Producer (EP). Naging EP ito ng mga programang Kool Ka Lang, Idol Ko si Kap, Di Ba’t Ikaw, Tuwing Kapiling Ka, at iba pa.

Noong 2001, naging Program Manager si Magno ng mga top-rating GMA Entertainment shows tulad ng Darna, Magpakailanman, Mulawin, at Joaquin Bordado.

Bago siya maging VP, nagsilbi siya bilang Assistant Vice President for Drama ng parehong Department simula noong 2011.

Isa sa mga di malilimutang bahagi ng kanyang karera ang pagiging Executive Producer ng Lovingly Yours, Helen na naging number one noong ito ay ipinapalabas pa. Nakatrabaho ni Magno sa Helen Vela ng 14 na taon.

AiAi gustong resbakan ni Jed

May nakarinig na nagpa-plano raw rumesbak ni Jed Salang sa ex wife        niyang si AiAi delas Alas na ibinuko ang kanyang pananakit. Ayon sa source, diumano ay sasabihin ni Jed na siya ang biktima sa mga pangyayari at ang pinakamasakit, ipinagkakalat daw ni Jed na mahilig sa sex si AiAi at ikinukulong siya sa kuwarto.

OMG. Kaya pa itong gawin ng dating asawa ni AiAi matapos ang mga nangyari. Imagine diumano, minsan ay nagsa-shopping sila sa States. Kumuha raw si Jed ng size 9 na mamahaling sapatos. Eh nakita raw ni AiAi na size 9 ang shoes eh ang alam daw ni AiAi 8 ang shoe size ng nanay ni Jed so sinita raw at sinabing ‘bakit size 9 ‘yan.’ Doon lang daw pinalitan ni Jed ang shoes ng size 8.

At kaya pala 9, kasi ibibigay daw ni Jed sa girl na ina ng anak niya na nababalitang nagta-trabaho sa PAGCOR.

Wow. Parang teleserye lang.

Ang dami ko pang naririnig na kuwento tungkol sa naging pagsasama ng dalawa. Grabe.

DAW

DEATH MARCH

EXECUTIVE PRODUCER

JED

KAYA

MAGNO

MAJA SALVADOR

RAYVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with