Zanjoe tanggap na macho at bading

Hindi naman pangit ’yung paglalabas ng puwet ni Zanjoe Marudo sa Bromance. Lumitaw lamang ito sa dressing gown niya kaya hindi masasabing pilit. At hindi naman buong puwet niya ang nakita, in fairness to him.

  Ito ang maganda kay Zanjoe, napapanood pa rin siya sa isang gag show na kung saan ay nahahasa ang kanyang talent sa comedy. Maraming seryosong aktor ang hindi na ito magawa sa takot na malito ang mga tagasubaybay nila at hindi na malaman kung komedyante sila o dramatista. Si Zanjoe tanggap at kinikilala sa parehong genre. Suwerte niya!

Heart mas gumanda pa

Ang ganda-ganda naman ni Heart Evangelista na nakasama ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang proclamation kamakailan. Hindi mo iisipin na bago ang nasabing affair ay nalagay sa alanganin ang relasyon ng dalawa.

Sana nga magpatuloy ang katahimikan sa pagitan ng dalawang magkarelasyon at ng mga magulang ng dalaga. Hindi lamang naman sila ang mga magulang na hindi tanggap ang karelasyon ng kanilang anak pero sila lamang ang mga magulang na isinapubliko ang pagtanggi nila.

Alden bumalik na ang dating akting

Hindi mo namang sasabihing malas si Alden Richards dahil nagawa naman niyang mai-promote ang kanyang bagong album sa finale ng Party Pilipinas. Abot na abot nga pero maganda sana kung bawat Linggo ay makakanta niya ang mga kanta dito. Pero I’m sure magkakaroon siya ng chance na gawin ito sa makakapalit na programa ng Party P.

Isa kami sa mga natutuwa na na-regain na niya ang kanyang galing sa pag-arte sa Mundo Mo’y Akin. For a while ay parang nakulangan ang mga kaibigan kong writer sa kanyang acting at na-transfer ang atensiyon kay Kristoffer Martin na naga­lingan siya sa Kakambal ni Eliana. Pero back to form na raw si Alden.

Anak ni AiAi nakapagtanim ng galit

Masisisi mo ba ang panganay ni AiAi delas Alas na magtanim ng galit sa asawa ng kanyang ina nang malaman niyang sinaktan nito ang nanay niya?

I’m sure hindi rin 100% siyang gusto ni Sancho for AiAi pero wala lang itong magawa dahil choice siya ng ina nito. Pero ngayong hiwalay na sila, hindi masisisi ang anak na hilinging ’wag na silang magkabalikan.

 

Show comments