Dingdong pabor sa pag-alis ni Marian sa manager!

PIK : Hanggang ngayon ay ayaw pa ring kumpirmahin ng ilang involved sa bagong show na ipapalit sa Party Pilipinas kung talagang Sunday All Stars o SAS ang title ng bagong musical/game show.

Puwede pa raw itong magsimula sa susunod na Linggo. Kaya hintayin na lang daw ang kanilang announcement dahil tinitiyak muna nilang lahat ang detalye bago nila ito i-launch.

Karamihan sa mga regular host ng Party Pilipinas ay umaasa pa ring kasali sila pero ang dinig namin iilan na lang ang maiiwan at karamihan ay bago.

PAK : Nabuking ng ilang fans na magkasama pala sina Edgar Allan Guzman at ng taga-Artista Academy na si Shaira Mae dela Cruz sa Baguio kama­kailan lang.

Ang paalam daw ni Edgar Allan ay gusto nitong ibakasyon sa Baguio ang mom­my niya bilang Mo­ther’s Day gift. Pero hindi pala knows ng mommy niya na kasama rin si Shaira Mae na ipinapasyal niya roon na hindi alam ng kanyang ina.

Ayaw daw niya talagang ipa-cancel ang lakad na iyon dahil para raw ito sa mother niya, iyon pala ay para na rin kay Shaira Mae.

Ang ending tuloy, hindi na siya isinama sa bagong drama series ng TV5 na Misibis Bay dahil wala ito sa workshop at hindi rin sinunod ang payo sa kanya na magpaayos ng ngipin at mag-aral ng personality development para bumagay sa kanya ang role ng isang sosyal na herederang magmamana ng napakala­king kayamanan sa kanyang ama na gagampanan ni Christopher de Leon.

BOOM : Safe pa rin ang sagot ni Dingdong Dantes tungkol sa isyung pagpapakasal daw nila ni Marian Rivera sa December ng taong ito.

Sabi ni Dingdong: “Parati naman pong may ganung usap-usapan eh. Pero gaya nang nasabi ko parati, kung darating po ang araw na iyon, ako na mismo ang magsasabi kung magkakaroon ng ganun at kung kailan. Sa akin po manggagaling iyon. Hinding-hindi po namin itatago.”

Pagdating sa desisyon ni Marian na pagpalit ng manager, suportado ito ni Dingdong, at tingin niya ay tama itong ginawa niyang desisyon.

Show comments