Kumpirmado Willie Revillame, pakakawalan na ng TV5!
‘“We respect the decision of Mr. Willie Revillame to retire upon the expiry of his contract with TV5. We wish him well in his new pursuits,†pahayag ng TV5 sa inanunsiyo ni Revillame na pagre-retire sa kanyang programang Wowowillie kahapon.
“Ako muna’y magpapahinga ng ilang buwan, ng isang taon o anuman, e, malalaman ninyo. Tatapusin ko na lang po ang kontrata ko sa TV5.
“Ang last day of my contract ay October 15. Maybe October 12 will be the last show ng Wowowillie,†sabi niya kahapon sa kanyang programa.
“Anyway, tingnan po natin, baka may pagkakataon ay magkita-kita pa rin tayo.
“Ako ay sumulat na sa pamuÂnuan ng TV5, ako po ay nagpaalam na—May 17. Actually po, sinagot na nila ako na I think tinatanggap nila yung aking pagpapaalam sa TV5,†litanya ng TV host.
Nauna nang lumabas dito sa PSN ilang araw na ang nakakaraan na give up na diumano ang TV5 kay Revillame dahil hanggang sa kasalukuÂyan ay hindi pa rin kumikita ang kaban ng KaÂpatid Network at hinÂdi sapat sa gastos ang pumapasok na kita sa commercial kaya hindi na nga ire-renew ang kanyang kontrata.
Ngayon ay kumpirmado na. Hanggang Oktubre na lang ang progÂrama niya at walang sinabi ang TV5 kung may plano pa sila sa TV host.
AiAi naghahanap ng buyer ng kotseng binawi kay Jed!
Naghahanap daw ng buyer si AiAi delas Alas sa binawing Porsche sa dating asawang si Jed Salang.
Milyun-milyon ang halaga ng mamahaling kotse na gustong idispatsa ng Concert Comedy Queen na ngayon ay nagdurugo ang puso matapos siyang makaranas ng pananakit.
Nakikipag-usap na raw si AiAi sa kanyang mga abogado tungkol sa mga iba pang kailangang aÂyuÂsin sa nangyari sa kanila ni Jed.
Lolit Solis gusto ring Manghiram ng PSG kay Kris
Ay may pinatatanong si ‘Nay Lolit Solis. May karapatan ba raw si Kris Aquino na manghiram ng PSG (Presidential Security Group)?
Nagtataka raw siya na puwede palang mag-assign si Kris ng PSG. Ito ay matapos ang isyung binigyan niya ng dalawang PSG si AiAi delas Alas na nakararanas ngayon ng matinding trauma at depression dahil nga sa mga naranasan niya sa dating asawa.
Actually, parang inggit lang ang nararamdaman ni Nay Lolit. Hahaha. Kasi kung puwede raw si Kris magbigay, gusto rin niyang mag-request. Nararamdaman daw niyang meron taong may lihim na galit sa kanya.
Saka mas sosyal nga naman pag merong naÂkaalalay na PSG sa ‘yo ‘di ba. Hahaha.
Kaya lang may isa pa nga palang worry ni ‘Nay Lolit - baka naman pogi ang nasabing PSG na nakabuntot kay AiAi at ma-in love naman ito as in mag-ala Whitney Houston sa pelikulang The Bodyguard. “Alam mo naman madaling ma-in love si AiAi. Baka mamaya, malaman na lang nating sila na pala,†comment ni ‘Nay Lolit.
Teka Nay Lolit baka naman hindi PSG ang ibinigay ni Kris kay AiAi?
Indio gagawing pelikula ni Bong para 2013 MMFF
Sa loob ng anim na buwan, ginampanan ni Senador Bong Revilla ang pangunahing karakter sa tiÂnaÂguriang ‘pinakamahal na teledrama ng GMA’, ang Indio.
Dahil ito ang pinakauna niyang primetime teÂledrama, naibahagi niya na talagang tumatak sa kanyang puso ang nasabing programa. “Kapag pinaghirapan mo, magma-mark ‘yan sa puso mo. Saka feeling ko dito ako natutong umarte talaga.†sabi niya.
Labis niyang ikinatutuwa na gampanan ang paÂnguÂnahing karakter sa Indio, pero higit na ikinatutuwa niya ay ang suportang natatanggap niya mula sa mga tagapanood. “Nakakatuwa ang suporta lalo na kahit saan ako pumunta: Luzon, Visayas, Mindanao, ang tawag sa ‘kin ay Indio… talagang matutuwa ka.â€
Katulad nga ng nasabi na niya sa mga nakaraang interview, ang Indio na ang pinakauna at pinakahuli niyang teledrama sa primetime ngunit hindi dito nagtatapos ang Indio dahil may plano silang gawin itong pelikula, ang Indio: the Movie, sa direksiyon pa rin ni Dondon Santos. Ito ay magiging entry nila sa Metro Manila Film Festival.
Samantala, sa mga huling araw sa programang Indio, ang kapangyarihang taglay niya ay lalong lumalakas.
Ibinigay na ng mga diwata ang kanilang basbas kay Indio na siyang nagpalakas pa ng kapangyarihan nito. Ngunit hindi lamang si Indio ang lumakas kundi pati na rin ang kanyang mga kalaban.
At sa nalalapit na banggaan ng mga kapangyarihan ng magkabilang puwerÂsa, sapat na nga ba ang kapangyarihan ni Indio para mapalaya ang buong sangkalupaan mula sa mga dayo? Sino ang magtatagumpay?
- Latest