Bat Hunters at Tent City aalamin

MANILA, Philippines - Tahanan ng daan-daang paniki ang isang kuwe­ba sa Barangay San Vicente sa bayan ng Virac, Ca­tanduanes. Kabilang sila sa mga nocturnal animal o mga hayop na gising sa gabi. Kaya naman habang ma­himbing silang natutulog sa umaga, hud­yat naman para bulabugin sila ng ilang residenteng bat hunters.

Sa ulat ni Maki Pulido ay makikilala ang mag-amang Edwin at Jonjon, hindi nila tunay na mga pangalan. Ginigising nila ang paniki gamit ang ilang pampasabog at hinuhuli nila sa pamamagitan ng lambat. Kapag nakatay na, naibebenta nila ang mga paniki sa halagang P130 kada kilo. Mahigpit mang ipinagbabawal sa batas, hindi nila tiyak kung kailan sila titigil dahil ito lang ang pinagkukunan nila ng kabuhayan.

Mula noong nakaraang buwan, parami na nang parami ang bilang ng mga Overseas Filipino Wor­ker o OFW na nagsisiksikan sa mga temporary shel­ter sa Jeddah, Saudi Arabia. Ito ay matapos ipag-utos ng hari ng Saudi ang paghuli sa mga ilegal o undocumented workers sa nasabing bansa. Ang ilan sa mga batang nasa tent city, nag­ka­kasakit na at ang higit nilang ipinag-aalala ay wala na silang naipadadalang pera sa Pilipinas.

Alamin sa ulat ni Jiggy Manicad kung ano ang ginagawa ng pamahalaan upang matulungan ang mahigit tatlong libong Pilipino na stranded sa Saudi.

Huwag palalampasin ang Reporter’s Notebook ngayong gabi (May 21) pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

 

Show comments