MANILA, Philippines - Panahon na para bigyan ng respeto at pasasaÂlamat si Direk Bobot Mortiz sa kanyang nalalapit na selebrasyon ng limampung taon sa showbiz. IpaÂpalabas ngayong Linggo sa Let’s Go Linggo ng JeepÂney TV ang TV special na Edgar ‘Bobot’ Mortiz, Goin’ for Gold. Ang Jeepney TV ang tahanan ng paboritong Pinoy TV classics.
Haligi ng industriya ang aktor at direktor na si Bobot. Tinuturing siyang isa sa mga pinakamaimpluÂwensiyang puwersa sa daigdig ng telebisyon. Noong dekada ‘70, nagsimula si Bobot bilang teen star at ka-love team ni Vilma Santos. Pero gaya nang ikinuwento ni Bobot sa TV special, una siyang naging ka-partner ng “karibal†ni Vilma na si Nora Aunor. Nang mga sumunod na dekada, naging tanyag si Bobot bilang puwersa sa likod ng mga top-rating TV shows, gaya ng gag shows na Goin’ Bananas at Tropang Trumpo at noontime shows na MTB at Wowowee.
Sa kasalukuyan, si Bobot ay kilala bilang tagalikha ng long-running kiddie gag show na Goin’ Bulilit kung saan nailunsad ang careers ng ilan sa mga pinakasikat na young stars natin ngayon.
Ilalahad ng TV special ang career ni Bobot mula sa pagiging singer hanggang sa maging matinee idol at direktor.
Sa mga kuwento ni Direk Bobot ng kanyang mga karanasan sa likod ng kamera, masusulyapan ang bahagi ng showbiz na bihirang makita. Ikukuwento rin sa special kung paano sumusunod sa kanyang mga yapak ang mga anak na sina Frasco at Badji.
Star-studded ang mga ininterview para sa tribute. Kabilang rito sina Al Tantay at Tirso Cruz III na mga kaibigan ni Direk Bobot, si Cristine Reyes na nakasali sa Banana Split at star ng Eva Fonda, si Ryan Bang na mainstay ng Banana Split, si Willy Cuevas na ka-collaborate ni Direk Bobot, at mga komedÂyanteng sina Pokwang at Jason Gainza. Tampok din sa special ang stars na na-discover ni Direk Bobot na sina Bangs Garcia, Julia Montes, Miles Ocampo, at iba pang mga artistang nakatrabaho ng batikang direktor.
Ang special na Edgar ‘Bobot’ Mortiz, Goin’ for Gold ay ipalalabas sa ika-26 ng Mayo, Linggo, sa ganap na 9:00 hanggang 11:00 ng gabi, sa Jeepney TV (SkyCable Channel 9), pagkatapos ng MMK Classics. Para sa mga schedule at update, i-like sa Facebook, www.facebook.com/JeepneyTV.
Tindera at suki, nagkaalitan dahil sa sirang paninda
Ano nga ba ang responsibilidad ng isang sari-sari store owner kapag nagkasakit ang kanyang suki dahil sa mga panindang binili mula sa tindahan niya?
Alamin ang kasagutan ngayong (Mayo 21) sa Pinoy True Stories: Engkwentro kung saan iimÂbesÂtigahan ni Karen Davila ang awayan sa pagitan ng magkaibigan na sina Nanay Charing, isang sari-sari store owner at ni Aling Nora, isa sa mga suki niya.
Pitong taon nang magkakilala ang dalawa kaya naman tiwala na si Aling Nora sa mga paninda ni Nanay Charing. Ngunit isang araw, bumili ng itlog na maalat ang pamilya ni Aling Nora at kinabukasan, kinailangan nilang isugod sa ospital ang kanyang apat na anak at dalawang apo dahil sa tindi ng pagtatae at pagsusuka ng mga ito. Nalula rin siya sa laki ng kanilang babayaran sa ospital.
Sa pagsusuri ng doktor, lumalabas na salmonelÂla ang naging dahilan at ang itlog na maalat na binili mula sa tindahan ni Nanay Charing ang salarin. Kaya hindi na nagdalawang isip si Aling Nora na magreklamo pa sa barangay.
Samantala, isasalaysay naman nina Maan MaÂcaÂpagal at Dominic Almelor ngayong Miyerkules (Mayo 22) sa Pinoy True Stories: Saklolo ang himalang pagkaligtas ng isang binata mula sa kamatayan matapos siyang tumilapon mula sa sinasakÂyang trak kung saan siya natutulog. Nakatulog kasi ang driver ng sinasakyan niyang trak at sumalpok pa sa sinusundang trak sa EDSA.
Huwag palampasin ang Engkwentro kasama si Karen Davila ngayong (Mayo 21) at sa Saklolo kasama sina Maan Macapagal at Dominic Almelor sa Miyerkules (Mayo 22) sa ABS-CBN, 4:45 PM sa Kapamilya Gold.