^

PSN Showbiz

Kotseng regalo kay Jed nabawi: AiAi at Kris walang suwerte sa lalaki!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Parang parehong walang suwerte sa lalaki ang magkaibigang AiAi delas Alas at Kris Aquino.

Hindi pa natatagalan nang maging mainit ang naging usapan tungkol kina Kris at ex husband       niyang si James Yap. May kinalaman sa pera ang naging problema nang maghiwalay sila dahil sa hatian.

Ang kaibahan sa naging problema ni AiAi nga­yon, kasal nga sila ni Jed Salang pero may pre nuptial agreement sila. Walang naging karapatan si Jed sa mga kayamanan ni AiAi. Si Kris, wala. Kaya nang maghiwalay sila ni James masalimuot ang pinagdaanan niya.

Diumano ay si Kris ang nagpayo kay AiAi na gumawa ng pre nup. Eh kung wala, ‘yung pinagdaanan ni Kris na hatian ng mga kayamanan niya, mararanasan din  sana ni AiAi.

Matindi ang dinaranas na sakit ng comedy concert queen ngayon dahil sa kagustuhang makabuo ng pamilya. Pero ayon, napeke, natanso, naloko, etc. base sa mga kuwento niya kay Tito Boy Abunda sa The Buzz last Sunday.

Anyway, noon pa may nagkukuwento na sustentado raw ni AiAi si Jed. Sabi pa ng  source noon pa, pati raw ang pamilya ng basketbolista ng negosyante diumano ay naambunan sa biyayang ibinibigay ni AiAi. Marami na rin noong may alam na siya ang gumastos nang magpakasal sila sa Las Vegas, pero walang maglakas ng loob na magsulat dahil iba ang sinasabi ni AiAi.

Sa umpisa ay marami nang kontra sa relasyon nila dahil malayo ang agwat ng edad ng dalawa. At mas maraming nag-react nang ikuwento nila sa The Buzz kung paano sila nagkakilala at kung gaano lang silang katagal na nagkakilala na sa bed na agad humantong.

Hindi ‘yun nagtagal at nagsama sila. At last month ay nagpakasal sila sa Las Vegas na habang naka­ngiti si AiAi ay umiiyak si Jed. Nagkaroon pa sila noon ng kanya-kanyang wedding vows na ang isa sa tumatak na sinabi ng komedyana ay “kung saan mo ko iiwanan don mo ko babalikan.” At ang dasal niya noon sa Diyos ay “kapag kukunin na Niya tayo.”


Inilihim nila noong umpisa ang nasabing kasalan na umabot sa puntong pati ang anak niyang si Sancho ay hindi inaamin pag may nagtatanong sa kanya. Pero lumabas din naman ang lahat nang magsalita silang dalawa sa The Buzz. Nanghingi pa siya ng paumanhin sa paglilihim nila. Nagpa-plano naman daw sila ng malaking kasalan sa simbahan sa December 8 at ang balita’y nabili pa ng ABS-CBN ang rights ng kasalan nila.

At pagkatapos ng kanilang kasal sa Las Vegas, lumabas ang isyu na buntis umano si AiAi. Kesyo nine weeks na. Pero hindi naman pala. May nagsabi pa noon na interesado si AiAi sa In Vitro Fertilization dahil 48 na nga siya, para masigurong magkakaroon sila ng anak ni Jed.

Pero malungkot ang naging ending ng love story nila. Hindi man lang umabot ng isang buwan ang kasal dahil May 2 pa lang, matindi na pala ang away nila. April 3 sila kinasal.

Isiniwalat na ni AiAi ang mga nangyari sa kanila ng negosyante na ang buong akala nang lahat ay mayaman din.

Maraming naawa kay AiAi sa kasalukuyan pero meron din namang dedma lang dahil dapat daw ay naisip na ‘yun ni AiAi sa umpisa pa lang dahil sa agwat ng edad nila.

At ang bottomline, wala nga sigurong suwerte si AiAi sa lalaki.

Kung tutuusin marami namang karamay sa ganitong problema si AiAi. Si Kris ay ganito rin, si Dra. Vicki Belo. Lahat sila mababait, successful sa buhay at mayayaman, pero walang maayos na kasama sa buhay.

By the way, nabawi naman daw ni AiAi ang kotseng ibinigay kay Jed na Porsche at maayos na ibinigay ng pamilya ng dating asawa niya.

Pagkawala ng show

ni Martin wala nang urungan

Wala nang urungan ang pagkawala ng prog­rama ni Martin Nievera na Martin Late@Night na napapanood every Friday night sa ABS-CBN.

Kahapon ay nag-tweet siyang dalawang Friday na lang at goodbye na ang kanyang programa.

Inabot naman daw ng isang season ang prog­rama. “Tweet hearts I just met with my bosses re late@night. Sorry only 2 Fridays left. :(“ kumpirma niya sa kanyang Twitter account kahapon.

Maalalang kamakailan lang ay nag-emote si Martin tungkol sa pagtatapos ng kanyang prog­rama.

 

 

 

 

 

 

AIAI

DAHIL

LAS VEGAS

NANG

NILA

PERO

SI KRIS

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with