Naalala ang college days Chris Tiu ayaw ipagdamot ang nalalaman sa mga mas batang player
MANILA, Philippines - Merong homecoming sina dating King Eagle Chris Tiu at Red Lions Borgie Hermida. Bumabalik sila sa college rank bilang coaches sa Master Game Face All-Star Basketball Challenge na siyang unang pre-season collegiate All-Star game.
Nakipagbalikatan ang Master Facial Wash sa FilOil Flying V para maorganisa ang unang Master® Game Face All-Star Basketball Challenge na nagtatampok sa magagaling na collegiate player mula sa pangunahing 18 pamantasan na maghaharap sa All-Star Gane. Idaraos ang Master Game Face Challenge sa FilOil Arena sa San Juan sa Hunyo 8.
Pagkasulong nila sa professional rank, inaamin nina Chris at Borgie na naaalala nila ang kanilang college days.
“Iba ang fans. Merong bagay sa likod ng kanilang suporta. Kahanga-hanga ang kanilang school spirit,†paliwanag ni Borgie.
Ayon naman kay Tiu, mas matindi, mas madamdamin at mapagmahal ang fans sa college game.
“Merong mga alumni at kanilang mga anak na umiiyak kapag natatalo kami sa laro. Isa iyong antas ng damdamin na hindi mo makikita sa professional game,†dagdag pa niya.
Kapwa naaalala pa nina Borgie at Chris noong panahon nila na sila ang sikat sa kani-kanilang koponan at ang mga aral na kanilang natutunan, pagharap sa mga tagahanga at sa pressure ng laro sa mura nilang edad.
Kailangang handa ka sa papasukin mo. Mamatyagan ka ng publiko. Susundan ka ng mga tao sa loob at labas ng court. Maging handa sa mga pagbatikos. Walang sikretong recipe. Magsikap lang,†sabi ni Chris.
Sa pakikipagtulungan ng FilOil Flying V Preseason Tournament, ipinaparaÂngal ng Master Game Face Challenge ang star studded line. Inihaharap ang siyam na NCAA teams at eight members ng UAAP.
Kasama sa team pool ng FilOil Tournament ang CESAFI champion Southwestern University.
Ang Master Game Face All Star Challenge starting lineup ay pinili ng fans sa pamamagitan ng online vote sa www.facebook.com/MasterPhilippines. Pinili nina Chris at Borgie ang 13 reserve players na bubuo sa kanilang bench mula sa remaining player pool. Natapos noong Mayo 18 ang online Fan Vote. Live namang ipapahayag sa Mayo 25 ang lineups para sa Master Game Face Challenge bilang bahagi ng FilOil Flying V Preseason Tournament coverage.
Mabibili ang mga tiket sa piling SM ticket outlets. Kabilang sa tiket ang entrance sa FilOil Cheerleading Competition (2:00 p.m.) at Master Game Face All-Star Basketball Challenge (4:00 p.m.) sa Hunyo 8. Maaaring magkaroon ng libreng upper box ticket sa pagbili ng Master 100g Facial Wash and Master 135ml Cleanser sa mga participating supermarket hanggang May 31.
- Latest