Pumirma ng bagong kontrata sa Star CineÂma si Daniel Padilla noong isang linggo. Masaya raw si Daniel dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng nasabing film outfit pagkatapos kumita kamakailan ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Must Be Love.
“Masaya dahil siyempre sino namang hindi magiging masaya ’di ba? Nagpapasalamat ako,†bungad ni Daniel.
“’Yun pong gagawin sa susunod ’yung follow-up movie with Kathryn. At basta kasama si Kathryn sa palabas okay na. At saka magaling na aktres si Kathryn talaga. Nagpapasalamat kami sa tiwalang ibinibigay sa amin at siyempre ibabalik namin ang tiwalang ’yun.â€
Hindi pa raw handa si Daniel na gumawa ng mga mature role kaya wholesome movie ulit ang gagawin nila ni Kathryn.
“Huwag nating madaliin. Ilang taon pa lang naman kami ’di ba? Saka kumbaga ang mga supporter namin hindi pa gusto ’yun. Madami pa kaming araw. Madami pa kaming panahon,†paliwanag ni Daniel.
Napapanood na rin ngayon ang TV commercial ng binata kung saan ay kasama niya ang tiyuhing si Robin Padilla. Ayon kay Daniel ay naging maganda ang karanasan nila habang ginagawa ang commercial.
“Masaya ’yung shooting namin ni Tito Robin. Wala kaming ginawa kundi tumawa. Feeling ko ’yung ka-hyper-an namin sa kape ’yun eh. Enjoy ’yung shooting namin, nando’n si papa (Rommel Padilla). Bumisita siya. ’Tapos kami ni Tito Robin habang nagsu-shoot ang dami na naming planong ginagawa,†kuwento ni Daniel.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin ng binata na makasama si Robin sa isang pelikula.
Xian saksi sa pakikipag-ayos ni Kim sa kanyang ama
Nasaksihan daw ni Xian Lim ang muling pagkikita nina Kim Chiu at ama nito sa Mindoro kamakailan. Hinding-hindi raw makakalimutan ng aktor ang mga sandaling nagkita at nagkaayos ang mag-ama.
“We were in their hometown. May show kami do’n. Siyempre nakakatuwa na napunta kami do’n at nando’n ako sa very meaningful moment between Kim and her dad,†nakangiting pahayag ni Xian.
Ngayon ay madalas daw na magkasama sina Kim at Xian dahil may mga proyekto silang ginagawa.
“We’re good. There came a time na nagkikita kami araw-araw kasi we’re doing a soap, a movie, ’tapos out-of-town shows,†kuwento ni Xian.
Mayroon na rin daw kissing scenes ang dalawa sa pelikulang ginagawa nila.
“Malapit na siya. It’s something everyone should watch out for. Siyempre mas challenging pero masaya at the same time. Merong kissing scenes. Siyempre ’di maiiwasan ’yan. I don’t want to give too much details muna,†pagtatapos ng aktor.
Reports from JAMES C. CANTOS