Condolences sa pamilya na naulila ni Bella Flores, ang contravida icon ng pelikulang Pilipino.
Pumanaw kahapon si Mama Bella sa gulang na 84. Namatay siya dahil sa mga kumplikasyon na epekto ng pagkakaroon niya ng diabetes. Ulyanin na rin si Mama Bella dahil sa kanyang Alzheimer’s Disease.
Ang Startalk ang unang nagbalita tungkol sa karamdaman ni Mama Bella. Nagsalita sa aming show ang kanyang anak na si Ruby Arcilla na humingi ng tulong mula sa good samaritans.
Hindi nabigo si Ruby sa panawagan niya dahil marami ang nagbigay ng tulong sa kanyang mahal na ina.
Umabot ng 62 years ang showbiz career ni Mama Bella na kung hindi nagkasakit, siguradong active pa rin siya sa showbiz.
Angelu maligaya sa piling ng asawa, apat na pala ang anak
Nagulat ako nang malaman ko na apat na pala ang anak ni Angelu de Leon. Siya ang nagkuwento sa akin na apat ang anak niya nang mag-guest siya sa Startalk noong Sabado.
Hindi puwedeng i-deny na maligayang-maligaya si Angelu sa piling ng kanyang asawa na si Wowie Rivera.
Ang sabi sa akin ni Angelu, matatag ang kanilang pagsasama dahil mga Christian na sila. Palagi silang nagdarasal ni Wowie at hindi na siya katulad nang dati na mga branded bags ang kanyang dinarasalan.
Marami kaming napagkuwentuhan ni Angelu tungkol sa kanyang personal na buhay pero off the record ang aming tsikahan portion.
At dahil birthday ko, naharbatan ko si Angelu ng birthday gift for the very first time mula nang maging artista siya. In fairness, talagang bumawi sa akin si Angelu. Thank you so much!
May birthday ngayon susunduin ng limo para dalhin sa lugar na may naghihintay na ‘susi’
Ang sosyal naman ng isang tao na may birthday din ngayon dahil susunduin siya ng isang limousine mula sa kanyang bahay. Ang limousine ang magdadala sa birthday celebrator sa isang lugar dahil dito ibibigay ang “susi†na birthday gift mula sa kanyang special someone. Special someone raw o!
Bilang birthday ko rin ngayon, iniisip ko na puntahan ang lugar at agawin ang susi na matatanggap ng birthday celebrator. Intrigang-intriga ako, para saan kaya ang susi? Susi ng condo o susi ng sasakyan na kailangang hanapin pa sa buong sulok ng Metro Manila?
Tauhan ni Marvin dapat talak-talakan sa pambu-bully
Mama Salve, nakakaloka naman ang report mo kahapon tungkol sa pambu-bully ng isang Anna Encarnacion sa mga contestant ng Karinderya Wars.
Barya-barya lang pala ang allowance na natatanggap nila tuwing taping, nakakatikim pa ng talak ang pobreng contestants at inaakusahan ng pandaraya. Ano ‘yon, hindi na sila binigyan ng konting kahihiyan?
Kung ako ang nasa lugar ng mga contestant, tatalakan ko rin ang Anna na ‘yan na nanlait sa kanilang pagkatao. Ano siya sinusuwerte? Ano ang karapatan niya na magsabi na makakapal ang mukha ng mga contestant? Maganda ba siya at manipis ang balat?
Teka, alam kaya ni Marvin Agustin ang nangyayari sa kanyang show at ang inaasal ng mga tauhan niya?
Hindi dapat payagan at hayaan ni Marvin na mag-nega ang kanyang show nang dahil lamang sa isang mapang-alipustang babae na ginagamit ang posisyon para makapang-api ng kapwa.