MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy pa rin sa paghahatid ng total entertainment ang longest-running variety show ng ABS-CBN na ASAP 18 ngayong Linggo (Mayo 19) sa sunud-sunod na show-stopping at mind-blowing production numbers na pangungunahan ng ilan sa pinakamalaÂlaking bituin sa mundo ng showbiz.
Best of the best music ng iba’t ibang generation ang dapat abangan sa ASAP 18 sa centerstage sa makatindig-balahibong musical performances ng OPM balladeers na sina Rico J. Puno, Hajji Alejandro, Marco Sison, kasama ang ASAP Pinoy Champs na sina Angeline Quinto, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, KZ Tandingan, at Yeng Constantino; at sa astig na ’90s jamming session ng ASAP Sessionistas.
Tiyak na mamamangha rin naman ang lahat sa inihandang performances ng Pilipinas Got Talent 4 finalists na Intensity Breakers at MP3.
Samantala, humanda para sa isa na namang nagbabagang dance showdown ng ASAP dance royalties na sina Maja Salvador at Shaina Magdayao para sa ‘supah hot clash dance’ na ‘MASH;’ na susundan ng makapigil-hiniÂngang ‘back to the ‘80s’ inspired Supahdance showcase nina John Prats, Sam Concepcion, Iya Villania, at Nikki Gil.
Doble-dobleng kasiyahan naman ang masasaksihan sa ASAP dance floor sa special celebrity siblings dance production number nina Kim at Lakam Chiu, Robi at Maro Domingo, at Enchong at Ice Dee.
Non-stop world-class musical numbers naman ang matutunghayan sa concert stage sa powerful vocal acts nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Erik Santos, Jed Madela, at ZsaZsa Padilla; sa nakakikilig na panghaharana ng Kapamilya heartthrobs na sina Piolo Pascual at Jericho Rosales; at sa must-see acoustic performances nina Yeng Constantino, Paolo Valenciano, Marion Aunor, at Zia Quizon.