Bamboo aminado sa malakas nilang chemistry ni Sarah

Magkasama sina Sarah Geronimo at Bamboo bilang mga coach ng bagong reality show na The Voice of the Philippi­nes. Marami nang nagawang production num­ber sa iba’t ibang show sina Sarah at Bamboo at may mga nagsasabing bagay ang dalawa kaya nali-link sila ngayon.

“I don’t even know how to answer that thing. But I can say that we have great che­mistry on stage. We perform well. That’s a special thing,” nakangiting pahayag ni Bam­boo.

Hinahangaan daw ng rakista si Sarah dahil magaling itong performer.

“She gives such energy to her performan­ces and we sort of just mash it up. In fact, Iris, that last song we did, we have never done it the same. Every single time it’s diffe­rent. Kapaan lang kami wherever she takes the song, wherever I take the song. We sort of find each other in the end,” kuwento ni Bamboo.

Posible daw na magkaroon sila ng collaboration ni Sarah sa mga susunod nilang album kung mabibigyan ng pagkaka­taon. Bukas ang rockstar sa pag­gawa ng pop songs katulad ni Sarah.

“I don’t really over think things. I just want to try to be myself. I’m still a badass. I just play from the heart, sing from the heart. Sarah mirrors that. It’s a great pairing on stage,” giit pa niya.

Carlo gusto nang makatrabaho si Angelica!

Nakasama si Carlo Aquino sa mga unang episode ng panghapong serye na Dugong Buhay. Ngayon ay muling nagbabalik ang aktor sa isang serye sa primetime dahil kasama siya sa Annaliza na pinagbibidahan ng batang si Andrea Brillantes. Matatanda­ang no­ong 2006 pa huling lu­mabas si Carlo sa isang primetime tele­serye, ang Bituing Wa­lang Ning­ning.

Masayang-masaya ang binata dahil isang ma­laking karangalan ang mapabilang sa isang primetime show.

“Hindi ko maipaliwanag kasi primetime, kasi ma­laking bagay, ’tapos Annaliza isang malaking project para mapasama ako rito. Sinama ako ng ABS-CBN, saka ni Direk Ruel (Bayani). Maligaya ako. Sobrang masayang-masaya ako,” bungad ni Carlo.

Matatandaang umalis ang aktor sa Ka­pa­mil­ya Network ilang taon na ang nakararaan. Ngayon ay nagdesisyon si Carlo na manatili sa ABS-CBN.

“Oo, dito na lang ako, parang hindi ako umalis. ’Yung suporta ng ABS, nina Mr. M (Johnny Ma­na­han), ng Star Magic, sobrang na-touch ako kasi hindi ko ini-expect na ganun pa rin ’yung welcome nila, parang Kapamilya pa rin ako,” paliwanag ng binata.

Gusto raw makatrabaho ni Carlo ang iba pang Ka­pamilya stars kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

“Kathryn Bernardo, si KC Concepcion, si Ms. Dawn Zulueta gusto ko rin makasama,” giit ng aktor.

Wala ring problema kay Carlo kung makakatrabaho ang dati niyang kasintahan na si Angelica Panganiban.

“Of course, oo naman. Isa siya sa mga pinaka­ma­­­husay na artista natin ngayon. Isa sa mga pi­na­ka­malaking artista natin ngayon para mabigyan ng pagkakataon gagawin ko,” pagtatapos ni Carlo. Reports from JAMES C. CANTOS

 

                        

 

Show comments