Nanlapot ang pawis nang makita nila ang rich-looking beki: Aktres nakumpirmang pumapatol sa bakla ang karelasyon!
Nagduda ang isang aktres na pumapatol sa baÂding ang kanyang boyfriend. Umiral ang woman’s inÂtuition ng aktres nang gumimik sila ng kanyang boyfriend sa isang sosyal na bar.
Naabutan nila sa bar ang isang rich-looking beki na kakilala pala ng boyfriend ng aktres na biglang sinumpong ng tamang hinala.
Kasi naman pinagpawisan ng malapot ang kanyang dyowa habang ipinapakilala ang rich-looking beki na na-encounter nila sa bar.
Nag-flashback sa not so malicious mind ng aktres ang mga sinasabi ng kanyang gay friends na puÂmapatol sa third sex ang boyfriend niya na nagkataon na isang homophobic!
Nagagalit ang boyfriend ng aktres kapag nakaÂkakita siya ng mga magdyowang beki na naglalamÂbingan. Guilty?
Tatlong senador hindi pa napo-proklama
Na-proclaim na kahapon ng COMELEC ang tatlong senator-elect, sina Bam Aquino, Koko Pimentel, at Sonny Trillanes.
Hindi dumalo sina Papa Koko at Papa Sonny dahil out of town sila. Tanging ang first time senator na si Bam ang dumating.
Tatlong senator-elect na lang ang nalalabi na ipoproklama ng COMELEC at siyempre ipinagdarasal ko na kasama si Mrs. Cynthia Villar.
TJ Trinidad talunan sa pagka-konsehal
Kumandidato pala na konsehal ng Pasay City si TJ Trinidad pero hindi siya pinalad na manalo.
Nagugulat ako dahil napakarami pala ng artista na tumakbo for public office noong nakaraang eleksiyon. Nalaman ko na lang na kumandidato sila nang lumabas ang resulta ng mga nanalo at natalo.
Mga taping balik na sa normal
Tapos na ang eleksiyon kaya magre-resume na ang mga taping ng mga teleserye ng mga TV network.
Pansamantalang inihinto ang mga taping dahil ginamit sa coverage ng eleksiyon ang lahat ng mga camera at cameramen. Pati ang production staff ng mga teleserye, naging busy sa coverage sa lahat ng sulok ng bansa.
Lovi hanggang lunch lang nakasama si Grace, hindi naikampanya
Hindi pala natuloy ang pangangampanya ni Lovi Poe kay senator-elect Grace Poe-Llamanzares. Si Lovi ang nagkuwento sa contract-signing event niya sa GMA 7 noong Biyernes na nag-lunch na lamang sila ng kanyang kapatid at ng pamilya nito.
Tama ang kuwento ni Mama Grace na nag-offer si Lovi na ikampanya ang kanyang kandidatura pero hindi natuloy dahil ayaw naman niya na mabigyan ng ibang kulay ang pagtulong ng aktres.
Sinabi ni Mama Grace ang posisyon niya sa presscon na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde. Si Mama Grace ang kauna-unahang senatorial candidate na ipina-presscon ni Mother at siya ang number one sa mga senatoriable na ibinoto ng mga tao. How ironic, huh?
- Latest