Pinaglaruan na naman sa kanyang concert: Nancy Binay luray-luray na kay Vice Ganda
Parang gamit na gamit na ni Vice Ganda ang pang-ookray kay senator-elect Nancy Binay. Bukod sa ginawa niyang pang-ookray bago nag-election at nag-comment pa rin after the election, ginamit na naman niya ang anak ng bise presidente ng bansa sa kanyang concert last Friday night sa Araneta Coliseum.
Nakakaaliw naman daw ang panglilibak na ginawa ni Vice sa kakayahan nang kaluluklok na senadora, pero ang comment ng iba, sobra na, tama na, gamit na gamit na.
Bakit daw hindi na lang banatan ni Vice ang ibang mga pulitiko na baguhan din sa pulitika.
Agree naman. Parang itong concert na ito ni Vice simula nang i-promote niya, si Nancy Binay ang nililibak niya.
Hindi man lang iginalang ng komedyante ang pagiging bise presidente ng ama nang inalipusta niya ang kakayahan kahit dinadaan niya sa katatawanan.
Actually, bukod kay Vice luray-luray na ang anak ni VP Binay sa social media na sadly ay walang masyadong epekto sa mga tao dahil napatunayan sa nakaraang eleksiyon na waÂlang masyadong impluwensiya ang internet dahil hindi nila naipanalo ang itinutulak na kandidatong si Teddy Casiño. Maging si Risa Honteveros ay ‘di nanalo samantalang todo-todo ang suporta ng social media. At isa si Vice sa mga nag-endorse kay Rissa sa Twitter.
Ang mga tao talaga ay nagbabasa ng tabloid, nanonood ng TV at nakikinig sa radio. Sa urban areas lang. mabenta ang social media.
Going back to Vice. Wondering lang, bakit kaya ayaw niyang tigilan si Nancy na kung naÂkakamatay lang ang ginagawang pag-aalipusta sa anak ng pangalawa sa pinakamataas na tao sa bansa, malamang matagal nang pinaglamayan sa rami nang mga sinabi ng komedyanteng asawa ang tawag ni Kris Aquino?
Aminado naman ang nahalal na senador nanalo siya dahil sa kanyang apelyido na pang-lima sa nanalong senador at nakakuha ng mahigit 13 million na boto.
Actress namamaga ang mukha, halatang nag-i-steroid
Parang nag-i-steroid ang isang actress na kasama sa isang panggabing serye ng ABS-CBN.
Namamaga ang mukha niya nang mapanood ko last Friday night.
Isang klase ang steroid ng gamot na kailangan sa iba’t ibang klase ng sakit.
Ano kayang sakit ng aktres na ito na may dalawang anak na?
Contestants ng show ni Marvin nakakatikim ng pambu-bully?!
Nakatanggap na naman ako ng reklamo sa isang insider ng programang Karinderya Wars ng TV5.
Ayon sa source, hindi na nga regular ang ibinibigay na P500 na weekly allowance sa mga contestant ng nasabing programa na si Marvin Agustin ang host, nakakatikim pa raw ng mga pambu-bully ang mga contestant sa tauhan ng production ng kumpanyang pag-aari ni Marvin na producer ng programa for TV5.
Bago raw ang ginanap ang finals ng programa ay ipinatawag ang mga natitirang contestant sa opisina ng production ni Marvin. Isang nagngangalang Anna Encarnacion diumano ang humarap at pinagsabihan sila na “ang kakapal ng mukha ninyo etc. etc.â€
Pero hindi pa raw natapos doon dahil sa last taping nila, ayun nakatikim na naman daw sila ng mga pambu-bully sa nasabing babae.
Dahil labis na nasaktan, hindi raw nakayanan ng isang finalist na si Rona dela Rosa kaya nakita itong umiiyak sabay walk out.
Oh oh. Puwede siguro itong sagutin ni Marvin.
Kapuso bossing nakita ang kagalingan ni Lovi kaya hindi pinakawalan
Malugod na tinanggap ng GMA Network si Lovi Poe matapos ito muling pumirma ng exclusive contract sa Kapuso Network noong May 17, 2013.
Kilala na ngayong multi-awarded actress, nag-umpisa ang career niya sa Bakekang at nagbida sa mga programang Legacy at Yesterday’s Bride. “It’s nice to be back home,†she said.
During the contract-signing, Atty. Felipe Gozon expressed his gladness on Lovi as a loyal Kapuso. “When you look at her and watch her perform, you’ll see kung ano ‘yung nakita namin… isang magaling na artista.â€
â€Natutuwa kami. This is where she started, where she grew up and developed her talents. She has a series on primetime coming up. That’s what she’ll do first because she’s a dramatic actress. That’s where she’s good at,†sabi naman ni Ms. Lilybeth RasoÂnable, TV’s Officer In Charge ng GMA.
Present in the contract-signing were (from left) GMA Entertainment TV’s Officer-in-Charge Lilybeth G. Rasonable, Lovi Poe, GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon, GMA AVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara and Leo Dominguez (Lovi’s manager).
- Latest