Annaliza walang hirap, bida agad!
Habang maraming Kapamilya actresses ang talagang effort to death mapabilang lamang sa maÂituturing na royalty sa showbiz, heto ang isang batang, batang artistang babae, si Andrea BrillanÂtes, na hindi na kinailangang mag-audition peÂro nakuha agad para gampanan ang title role sa pinakabagong serye ng ABS-CBN, ang remake ng blockbuster radio and TV series na Annaliza na unang pinasikat ng noo’y child actress na si Julie Vega nung ’80s.
Aga iniintindi ang nagmalasakit na supporters
Mabait pa rin si Aga Muhlach na kahit marahil naguguluhan dahil nararanasan na niya first hand at first time ang napakaruming bahagi ng pulitikang lokal, hindi niya maaaring hindi harapin o tanggapin ng ganun na lamang ang pinaghirapan ng kanyang mga supporter para mailagay siya sa Kongreso at mapabuti ang kanilang kalagayan sa distrito na kanilang pinananahanan. What Aga and his family and supporters thought was an honest win ay naging isang maruming proseso kaya ayun kinailangan na nilang mag-people power.
Let’s hope and pray na tulad ng sa EDSA ay maibalik nila ang demokrasya sa 4th district ng Camarines Sur.
Zanjoe may nararamdamang kaba
Totoong sinabi ni Zanjoe Marudo sa presscon ng Annaliza na gusto na niyang magka-anak pero hindi pa siya handang mag-asawa kaya ang pagiging ama ay kailangang ipagpaÂliban pa.
“Sa totoo lang, gusto ko sanang tanggihan ang role nang unang i-offer sa akin pero nakita kong maganda kaya tinanggap ko na. I reaÂlized handa na pala akong maging tatay pero hindi pa ngayon. Mag-iipon pa ako at marami pa akong gustong gawin sa buhay ko,†pagtutuwid niya.
Tini-take advantage ni ZanÂjoe ang pagdating ng mga maÂgaÂgandang offer sa kanya. AfÂter ’yung seryosong role niya sa One More Try na sinundan ng isang double role sa Bromance na kasalukuyang pinipilahan sa mga sinehan ngayon, may nararamdaman siyang pressure hindi lamang bilang isang blockbuster actor kundi bilang isang aktor. Feel niya na ngayong tinatanggap siya bilang isang mahusay na aktor ay kailangang suklian niya ang tiwala ng kanyang network at suporta ng mga tagasubaybay niya. Dito siya may nadaramang kaba.
“Pero handa naman ako sa kahit anong challenge,†pagtatapat niya.
Anak ni Grace pag-aartista ang puntirya
Twenty years old lamang pala ang paÂngaÂnay ni senator-elect Grace Poe-LlamanÂzares na si Bryan Llamanzares. Akala ko kasi nung ipakilala silang mag-aama sa presscon na ibinigay para kay Grace ni Mother Lily Monteverde ay binatang-binata na siya. Paano kasi kuntodo naka-coat and tie siya at parang matanda na kung magsalita.
Napag-alaman sa presscon na kumukuha na siya ng political scienÂce sa isang kilalang unibersidad pero hindi pagpu-pulitiko ang puntirya niya kundi ang pag-aartista! Sinabi mismo ng kanyang ina na wala naman siyang tutol kung mag-artista man ang kanyang anak. Ang ayaw lamang niya ay pabayaan nito ang kanyang pag-aaral na masisiguro ng ama nito na kundi pa tumakbong senador si Grace ay hindi pa makikita.
Sinabi rin ni Grace na ipagpapatuloy ng kanyang mister ang trabaho sa private sector.
- Latest