TV5 give up na kay Willie Revillame

Magkakaroon daw ng major movement na naman ang mga programa ng TV5. Ayon sa isang source, diumano mawawala na raw kasi ang programa ni Willie Revillame na Wowowillie. Hindi pa rin daw kasi nagre-rate ang show kaya nagdesisyon na ang TV5 na tuluyan na itong tsugihin sa ere.

Consistent ang nagkuwento na ang host lang naman nito diumano ang kumikita bilang sa kanya napupunta ang kita ng mga commercial at hindi sa kaban ng nasabing network. Kaya ayun, tutuluyan na raw titigukin ang nasabing programa.

Saka matatapos na raw kasi ang kontrata ng TV host sa TV5 at wala na itong pag-asang i-renew pa.

Wala pang official na statement ang TV5 tungkol dito.

Wait natin na i-confirm ito ng pag-aaring network ni Mr. Manny Pangilinan kung hindi na nga sila interesado sa TV host-comedian.

Nauna nang itinanggi ng ABS-CBN na wala sa plano nilang pabalikin ang TV host dahil happy na sila sa programa nila sa tanghali na Showtime.

Sarah Jessica Parker mas mabait pa sa ibang lokal na artista

Nagmistulang fans ang maraming sosyalera sa pagdating sa bansa ni Sarah Jessica Parker sa bansa. Lahat sila gustong magpa-picture. Mula sa mga make up artist na sikat, model, artista hanggang sa mga designer. At in fairness, parang game na game naman si Jessica na makipag-piktyuran sa mga nakikita ko sa mga social networking sites. Actually, parang mas accommodating pa siya kesa sa mga local nating artista na kung umasta ay parang mga Hollywood star.

Merong aktres na namimili lang ng puwedeng lumapit sa kanya dahil particular siya sa amoy nang lalapit sa kanya. Kaya hindi siya basta puwedeng lapitan.

Eh si Jessica Parker na sumikat nang husto sa Sex In The City at fashion icon, parang walang ere. Hindi namimili kung sino ang gustong magpa-picture sa kanya.

Sana matuto na ang maraming ma­arte nating artista kay Jessica Parker na maging mabait at accommoda­ting sa fans.

Ilang araw ding nasa bansa si Jessica para sa ope­ning ng bagong sosyal na mall na SM Aura.

Kabayan parang nagpabanat ng mukha

Parang may nagbago sa mukha ni Kabayang Noli de Castro. Muk­ha siyang bumata at pumayat ang mukha. Nagpa-Belo?

May ilang nakapuna na parang naiba ang mata niya dahil parang natanggal ang eyebugs niya ang beteranong broadcaster

Kung sabagay wala namang ma­sama kung nagpabanat siya ng mukha.’Wag lang siyang gumaya sa isang aktor na hindi na gumagalaw ang mukha dahil sa mara­ming beses na pagpapa-botox. Kay Kabayan naman ay parang natural pa.

Charlene nahihirapan sa nangyayari sa Bicol

Kung meron mang labis na apek­tado sa nangyayari sa kandidatura ni Aga Muhlach sa fourth district ng Bicol, si Mrs. Charlene Muhlach ‘yun.

Aminado ang misis ng aktor na nahihirapan sila lalo na nga’t umaasa ang mga tao sa nasabing lugar na matutulungan nila.

“Hindi nila alam ang pinagdadaanan namin. Hindi nila alam ang nangyayari dito,” sabi niya nang sandali kong makausap sa telepono tungkol sa mga taong mabilis na nagko-comment tungkol sa nangyayari.

Alam nang lahat ang sakripisyong ginawa ng mag-asawa simula nang mag-desisyon si Aga na kumandidatong congressman.

Actually bago pa man ‘yun ay madalas na sila sa Bicol at doon nila nakita ang paghihirap ng mga kababayan nila doon.

Si Charlene, weekend lang pumupunta ng Manila for The Buzz at pagkakatapos ng programa, bumabalik siya ng Bicol.

Pero sa nangyayari, naawa sila sa mga taong nakakita ng pag-asa sa kanila.

Sana nga ay pakinggan ang apela ng kampo ni Aga na muling bilangin ang mga boto para patunayang siya ang nanalo.

Show comments