MANILA, Philippines - Hindi pinalad si Shalani Soledad-Romulo na manalo sa Valenzuela. At tanggap naman niya ang nangyari. “A congressional district representative for the 2nd district of Valenzuela swas proclaimed yesterday and it wasn’t me.
“I accept this reality.
“To the countless men and women who stood by me and fought the fight for change and transparency — my heartfelt thank you!
“I appreciate all your help.
“Greatful too, for having the opportunity to have served our city as a city councilor for 9 years.
“To all my fellow Valenzuelanos, it has been my pride and honor being your konsehala.
“Muli, ako po ang inyong lingkod— Shalani SoÂledad-Romulo, nagpapasalamat sa inyong lahat.â€
May mga nag-comment na sa pagkatalo ni Shalani, baka baby naman nila ni Cong. Roman Romulo ang kapalit nito.
PGT semi-finals, aarangkada na!
Simula na ng laban para makapasok sa grand finals sa pag-uumpisa ng semi-finals ng talent-reality show sa bansa na Pilipinas Got Talent ngayong Sabado (May 18). Asahan ang umaatikabong bakÂbakan ng talento ng 12 na semi-finalists na magÂtuÂtungÂgali para makuha ang isa sa anim na grand fiÂnaÂlist slots na pagdedesisyunan ng samÂbayana’t ng judges. Mas matindi ang excitement sa bawat perÂformances at mas matindi rin ang kapangyarihan ng judges dahil ang Big Three na sina 4 ay pipili hindi lang ng isa, kung hindi ng dalawang acts na papasok sa grand finals. Tulad ng dati, ang manguÂnguna sa botohan ay siguradong pasok habang ang papaÂngalawa, papangatlo, at papang-apat sa boÂtohan ang siyang pagpipilian ng judges.
Unang sasabak ngayong linggo ang quick mask artist na si Tito Cris Castro, twin dance group na si Symmetry, unconventional acoustic band na Mp3, YouTube sensation na si Roel Manlangit, flairtender na si Chaeremon Basa, at black light dancers na Zilent Overload. Kamakailan lang ay kinumpleto ng folk dancers na Bughaw Folkloric Dance Group at car drifters na Lateral Drift Productions ang top 12 semi-finalists matapos ang huling quarterfinal showdown.
Sino ang unang tatlong tatanghaling grand finalists?
GMAAC stars sunud-sunod ang nakuhang award
Sunud-sunod ang natatanggap na paÂraÂngal ng mga artista ng GMA Artists CenÂter (GMAAC).
Nangunguna sa listahan ng mga nanalo ay si Kim Rodriguez na natanggap ang kanÂyang unang award bilang New Movie AcÂtress of the Year sa 29th PMPC Star Awards for Movies noong March 10 sa AFP Theater. Si Kim ay nakiÂlala para sa kanyang pagganap sa indie film na Mga MuÂmunÂting Lihim. Bukod sa Party PiliÂpinas, si Kim ang bida sa pang-hapong serÂye ng GMA na Kakambal Ni Eliana. Isa rin siya sa mga nominees para sa Best Breakthrough Performance by an Actress para sa kanyang pagganap sa Oros sa 2013 Golden Screen Awards for Movies.
Tumanggap naman sina Joyce Ching at Ruru Madrid ng German Moreno Youth Achievement Award sa nakaraang 61st Film Academy of Arts Movie and Sciences (FAMAS) noong nakaraang April 21.
Ang child star naman na si Barbara Miguel ay nakuha ang award na Best Child Actress para sa indie film na Migrante. Si Barbara ay nakilala matapos ang kanyang ‘di malilimutang pagganap sa high-rating primetime drama na Munting Heredera.
Si Chynna Ortaleza ay hinirang na Best Supporting Actress para sa Migrante. Bukod sa pagiging kontrabida sa Kakambal Ni Eliana, si Chynna ay isa sa mga mentor ngayon sa GMAAC workshops.
Sa 2013 Golden Screen Awards for movies noong April 27, nanalo naman si Kristoffer Martin ng kanyang unang major award bilang Best Performance by an Actor in a Supporting Role para sa Oros.
Ang isa sa mga homegrown talent ng GMAAC na si Sef Cadayona ay naiuwi naman ang Breakthrough Performance by an Actor sa indie film na Gayak. Siya rin ay kasama sa Party Pilipinas, Bubble Gang, Vampire ang Daddy Ko, at sa primetime drama na Mundo Mo’y Akin.