MANILA, Philippines- Kuwento ng pagmamahal sa pamilya at pagtanggap sa sarili ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Mayo 18) tampok ang life story ng Miss International Queen 2012 na si Kevin Balot.
Gaganap bilang ang transgender na si Kevin ang isa sa pinaka-promising na Kapamilya actor na si Martin Del Rosario. Bilang nag-iisang anak na lalaki sa kanilang pamilya, sinubukan ni Kevin na talikuran ang kanyang tunay na sekswalidad at tuparin ang pangarap ng kanyang ama na maging isa siyang engineer. Ngunit hindi nagtagal, hindi na naitago pa ni Kevin ang kanyang tunay na pagkatao sa kanyang tatay, dahilan upang magbago ang magandang samahan ng kanilang pamilya.
Paano nga ba mapapatunayan ni Kevin sa lahat ng tao na hindi isang hadlang ang kanyang sekswalidad sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap?
Kasama ni Martin sa MMK episode ngayong Sabado sina Al Tantay, Shamaine Centenera, Kokoy De Santo, Kristel Fulgar, Toby Alejar, Emmanuelle Vera, Cheska Billones, Louise Bernardo, Princess Freking, at Dax Bayani.
Boracay Bodies sinamantala ang free day sa isla
Isang free day treat ang ibinigay sa Boracay Bodies party people na sina VicÂtor Silayan, Wendy Valdez, Brent Javier, Krista Miller, Luke Jickain, Helga Krapf, Joross Gamboa, at Ethel Booba matapos ang kaliwa’t kanang challenges na hinarap nila noong mga nakaraang linggo. Kasama sa treat na ito ang pagpili nila ng ‘partner’ for the day at activity na gusto nilang gawin nang magkasama.
Anu-ano kaya ang pagkakaabalahan ng mga party people? Sinu-sino kaya ang magiging mag-partner? Ito na kaya ang hinihintay na pagkakataong magkabati ang magkakagalit at masulit ng mga nagkakagustuhan ang kanilang pagkakataong magsama sa isla?
Abangan ang pinakamasayang treat para sa mga party people! ’Wag palalampasin ang second to the last party ng grupo ngayong Sabado sa Boracay Bodies, 9:00 p.m., sa TV5.
Gandang Ricky Reyes pinasaya ang Fil-Hair events
Ibang-iba ang kapaligiran sa Metro Tent ng Metrowalk Convention Plaza sa Ortigas, Pasig City nung Mayo 6. Kung noo’y mga seryosong pagtitipon ang ginaganap, ngayo’y biglang naging makulay, masaya, at mala-karnabal ang naturang lugar.
Laging ganito ang kaganapan tuwing nagdaraos ng Hair and Makeup Trends ang samahang Filipino Hairdressers Multi-Purpose Cooperative (Fil-Hair) na itinatag ng pangulo nitong si Mader Ricky Reyes.
Panoorin sa GMA News TV lifestyle show na GanÂdang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR-TNT) sa Sabado, alas nuwebe hanggang alas diyes ng umaga, ang coverage ng event kung saan marami ang lumahok na parlorista mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Nagkalat sa halos lahat ng sulok ng lugar ang mga naggagandahang modelo na bongga ang mga kasuotan, makeup, at hair style habang aligaga ang mga kalahok at kabado hangga’t ’di natatapos ang kategoryang sinalihan nila.
May mga interbyu pa sa mga past winner at mga finalist sa taong ito. Mga kuwento ng pag-asa, ambisyon, at pagsisikap ang ilalahad ng mga ito.
Dahil ika-29 na anibersaryo ng Fil-Hair, bukod sa nakagawiang ibinibigay na premyo sa mga kalahok ay nagkaroon din ng special prize ang kani-kanilang mga modelo sa men’s cut, evening party makeup, fanÂtasy makeup, at bridal makeup.
Dahil ika-30 taon na ng Fil-Hair next year ay mas malalaki at maraming premyo ang ipamimigay para magkaroon ng ibayong incentive ang mga hairdresÂser at cosmetologist na pagbutihin ang kanilang taÂlenÂto at kakayahan.
Lahat ng ito at marami pang iba sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.