PIK: Magpapakitang gilas ang mga rakista sa Sarap Diva bukas ng umaga pagkatapos ng Tropang Pochi.
Hindi mo akalaing isang healthy food ang ihahain ni Gloc-9 at swak na pampulutan naman ang inihanda ng Kamikazee. Pero mas kuwela ang kulitan nila kay Songbird na sobrang nag-enjoy sa episode na iyon.
True kayang babalik na sa taping si Regine Velasquez sa Sarap Diva?
PAK: Sa gitna ng intrigang hinaharap ngayon ni Charice, nagpahayag ng suporta si Zendee Rose sa kanya.
Kahit natarayan pa noon si Zendee ng ina ni Charice, wala itong sama ng loob at sinabi nitong naintindihan niya ang pinagdadaanan ng kapwa singer ngayon.
Mananatiling fan pa rin siya ni Charice at sana nga ay magkaroon ng pagkakataong mag-usap sila.
Mensahe ni Zendee sa idolo: “Wala po tayong magagawa kung ’yun ang magpapasaya kay Charice. Tanggapin na lang po nila.
“Sana bumalik na siya sa social sites, sa Twitter para makausap namin siya.
“Gusto namin malaman ang side mo. Sana okay ka lang palagi. Patuloy mo lang kung saan ka masaya, suporta lang kami sa ’yo.â€
Pero marami ang nagsasabing si Aiza Seguerra naman yata ang idol ni Charice na naintrigang nakipagtanan sa protégé niya sa The X Factor Philippines na si Alyssa Quijano.
Hindi na bago ’yan kay Aiza na na-link din sa protégé niyang si Krizza Neri.
BOOM: Worried ang mga supporter ni Aga Muhlach sa pinagdadaanan nito ngayon sa fourth district ng Camarines Sur dahil sa gulong nangyayari sa bilangan ng boto.
Magpa-file na raw si Aga ng Failure of Election dahil sa problema sa CF (compact flash) cards na dahilan nang pagkaaberya ng bilangan ng boto.
Dahil dun, lumamang na ang kalaban niyang si Wimpy Fuentebella na hindi matanggap nina Aga dahil sa simula pa lang ay lamang na lamang na ang aktor.
Kaya humihingi na ng tulong ang kampo ni Aga na sinimulan na nila sa social network sites para maiparating ang diumano’y pandarayang nangyayari sa kanilang lalawigan.
All out ang suporta ng mga taga-showbiz kay Aga kaya patuloy silang nagpapadala ng mensahe sa Facebook at Twitter na tulungan ang aktor sa ipinaglalaban niyang dayaan.