Goma kailangan munang kalimutan ang pulitika- fans

Seen : Hindi totoo ang balita ng isang Internet website na hindi registered voter si Coco Martin dahil nakunan siya ng video ng ABS-CBN habang bumoboto noong Lunes sa  Novaliches Elementary School.

Scene : Kalimutan muna ang pulitika ang unsolicited advice kay Ri­chard Gomez ng kanyang mga tagahanga dahil sa resulta ng pagkandidato niya bilang mayor ng Ormoc City. Natalo si Goma.

Seen : Ipinroklama kahapon ng madaling-araw ng COMELEC ang direktor na si Lino Cayetano, ang bagong halal na house representative ng 2nd District ng Taguig City. Parehong walang karanasan sa pulitika sina Lino at Senator-elect Nancy Binay.

Seen : Disappointed si Robin Padilla dahil natalo ang kanyang senatorial bet na si Dick Penson, ang ex-husband ni Dina Bonnevie. Walang makakaliwa dahil ang “royal families” ang namayagpag sa eleksiyon ang hinagpis ni Robin.

Scene : Ang guesting kahapon ni Christian Bautista sa Eat Bulaga Indonesia. Ang maging mainstay si Christian Bautista ng Eat Bulaga Philippines ang request ng kanyang fans.

Seen : Nagpasalamat na si Dingdong Avanzado sa kanyang mga kaibigan na sumuporta sa kandidatura niya sa Siquijor. Nangunguna si Dingdong sa Vice-Gubernatorial race sa Siquijor.

Show comments