^

PSN Showbiz

Dahil sa bintang na May nakatagong armas sa kanilaNG bahay Sen. Bong sumipot sa taping kahit kinuyog ng mga pulis ang bahay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May taping kahapon si Senator Bong Revilla, Jr. para sa Indio ng GMA 7 kahit may panibagong harassment sa kanyang pamilya, ang diumano’y search warrant dahil sa mga armas na nakatago sa bahay nila sa Muntinlupa.

Ganyan ka-professional si Bong. May valid reason para hindi siya mag-report sa taping pero inuna muna niya ang kanyang commitment. Hindi madali na nagtatrabaho siya pero nasa bahay ang kanyang isip dahil sa nakaabang na panganib.

Kahapon, hindi umalis ng bahay si House Representative Lani Mercado bilang paghahanda sa kanilang mga surprise visitor. Nagbantay naman sa gate ng subdivision na kanilang tinitirhan ang mga member ng mga media.

Nakausap ko kahapon si Bong sa cell phone at bothered siya sa panggigipit sa kanyang pamilya. Unang hinalughog ang bahay nila sa Bacoor Cavite noong Lunes at kahapon, may report na ang tahanan nila sa Muntinlupa ang pupuntahan ng mga pulis.

Nakakaalarma ang nangyayari. Kung nagagawa ‘yon sa mag-asawang senador at kongresista, paano na ang mga ordinaryong tao?

Ang taumbayan at ang media na lang ang natatakbuhan ni Bong at ng kanyang pamilya. May nagsabi sa akin na nakatutok ang CNN at ang reporter ng isang international newspaper sa mga nangyayari kaya huwag tayong magulat kung lumabas sa international news ang harassment sa Revilla family.

Sikat na restaurant tinanggihan ang reservation para kay Jessica Parker

Nag-lunch kami kahapon ni Rubby Sy ng Flawless sa Haru, ang Japanese restaurant sa Pasig City na pag-aari ni Dr. Boy Vazquez.

Katabi lamang ng Haru ang sister restaurant nito, ang sikat na Cafe Juanita. Nag-treat si Mama Rubby sa Haru dahil birthday niya noong May 7.

Lumapit sa table namin si Dr. Vazquez at siya ang nagkuwento sa amin na bisita niya dapat kahapon sa Cafe Juanita ang Hollywood star na si Sarah Jessica Parker.

Hindi natuloy ang pagpunta ni Sarah Jessica sa Cafe Juanita dahil brown out dito kahapon. Tinanggihan ni Dr. Vazquez ang reservation para kay Sarah Jessica dahil sa problema sa kuryente.

Nanghihinayang kami ng mga kasama ko sa lunch namin kay Mama Rubby dahil chance na sana ng sikat na Hollywood actress na makilala ako. Makilala raw ako o!

Naka-check in sa Sarah Jane sa isang 6-star hotel sa Makati City. Dumating siya sa bansa noong Martes ng gabi dahil siya ang special guest sa opening ng isang mall sa Bonifacio Global City.

Grace Poe magbabakasyon muna

Na-appreciate ko lalo ang kabutihan ni Senator-elect Grace Poe nang tawagan niya ako kahapon sa telepono para magpasalamat sa suporta ko sa kandidatura niya.

Sana, katulad si Mama Grace ng ibang mga kandidato, nanalo man o natalo, marunong magpasalamat sa mga tumangkilik sa kanilang kandidatura.

Magpapahinga muna si Mama Grace bago umupo sa puwesto  niya sa senado sa July 1. Nangayayat siya dahil sa matagal na pangangampanya. Magbabakasyon si Mama Grace at ang kanyang mga anak na matagal na hindi niya nakasama dahil sa kampanya. 

Hanggang ngayon, hindi makapaniwala si Mama Grace na siya ang magiging number one sa senatorial race. Gusto niyang ipaabot sa lahat ang kanyang walang katapusan na pasasalamat. Ang tagumpay ni Mama Grace ay tagumpay din ng kanyang namayapang ama na dinaya sa eleksiyon noong 2004.        

CAFE JUANITA

DAHIL

DR. VAZQUEZ

GRACE POE

HARU

KAHAPON

KANYANG

MAMA GRACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with