PIK: Masaya ang karamihang artistang puÂÂmaÂsok sa pulitika dahil maganda ang kinalabasan ng resulta sa nakaraang eleksiyon.
Isa si Alfred Vargas sa masayang-masaya daÂhil sa napanalunan nito ang posisyong congressman ng 5th District ng Quezon City kahit mabigat at datihan ang mga nakalaban.
Medyo hirap at mapanganib naman ang eleksiyon sa Cavite pero wagi ang pamilya Bautista na tumakbo roon mula kay Rep. Lani Mercado na siya pa ring congresswoman ng lone district ng Bacoor, si Mayor Strike Revilla pa rin ang alkalde ng naturang lalawigan, ang kapatid nitong si Rowena Mendiola ang isa sa mga konsehal na nanalo at si Jolo Revilla ang nagwaging vice governor ng Cavite.
Kaya masayang-maÂsaya sila lahat kahit dumaan pa sila sa hirap at harassment ng mga pulis doon.
PAK: Ngayong linggo na raw talaga matutuloy ang pagpirma ni Lovi Poe ng renewal ng kontrata sa GMA 7.
Siya ang isa sa pinakamasaya sa ngaÂyon dahil nangunguna sa mga nanalong senador ang Ate Grace Poe-Llamanzares niya na sinuportahan din niya nang husto.
Wala pa kaming balita kung ano ang gagawin niya sa GMA 7 pero ang sabi ng aming source talaga gusto raw niyang manatiling Kapuso artist kahit tempting at napakaganda ng offer sa kanya ng TV5.
BOOM: Sa hanay ng mga nanalong senador, si Nancy Binay ang paboritong paglaruan sa ilang social network sites.
Kung anu-anong panÂlalait ang inabot niya at tahasang nagdeklara si Vice Ganda na hindi niya ito iboboto at ikakampanya, ang dami pa ring bumoto sa kanya.
Hanggang sa ngayon ay minimenos pa rin ang kakayahan niya kaya malaÂking challenge ito sa baguhang senadora. Kung hindi siya magpapakitang gilas sa senado, malamang na maapektuhan ang presidential ambition ng kanyang ama.