Masayang-masaya sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa patuloy na pamamayagpag sa ratings ng kanilang teleseryeng Be Careful With My Heart. Nagpapasalamat ang dalawa sa lahat ng mga walang sawang tumatangkilik sa kanilang proyekto. Ngayon ay mas lalong nakakikilig na ang mga eksena nina Maya at Ser Chief (karakter nina Jodi at Richard) sa nasabing serye kaya nagkakaroon na ng ilangan sa pagitan nina Jodi at Richard.
“Minsan pero ’yung firsts namin medyo siyempre naiilang kami kasi parang ano, parang ’yung mga mag-boyfriend,†bungad ni Richard.
Nanibago raw talaga ang aktor lalo na nang unang maghawak ang kanilang mga kamay ni Jodi. “The first time we did it, ano rin kami, medyo naiilang na parang paano ba namin gagawin ito?†kuwento ni Richard.
“Kasi sanay lang kami na lagi lang kami nag-uusap. Kumbaga, ngayon medyo physical na si Ser Chief at si Maya. So, may mga hawakan na ng kamay, ganyan. Noong first time na nag-holding hands sabi ko, ‘Chenes, hindi ko ito kaya.’ Parang nakakakilig kasi,†kuwento naman ni Jodi.
Hindi raw dapat palampasin ang bawat eksena ng dalawa ngayong lumalalim na ang pagmamahalan nina Ser Chief at Maya sa nasabing programa.
Zanjoe nagtrabaho kahit maga ang mata
Kagabi ay matagumpay na ginanap sa Robinsons Magnolia ang celebrity screening ng pelikulang Bromance My Brother’s Romance na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo. Ayon sa direktor nitong si Wenn Deramas ay magaling ang pagkakaganap ni Zanjoe bilang sina Brando at Brandy sa nasabing proyekto. Maituturing daw talaga na isang magaling na komedÂyante si Zanjoe.
“Nakasama ko si Zanjoe sa dalawang soap ko, ’yung Kokey at saka ’yung Dyosa. Alam ko rin ’yung kanyang kapasidad pagdating sa comedy at kulang tayo eh. Kung papansinin n’yo ’yung sinasabing comeÂdy royalty, iilan-ilan lang talaga, nawala pa si Mang Dolphy. It’s about time na gumawa tayo ng isa pa.
Naniniwala talaga ako sa talent ni Zanjoe,†paliwanag ni Direk Wenn.
Hinahangaan din ng direktor ang pagiging propesÂyonal ng aktor pagdating sa trabaho. Mayroon daw pagkakataon na kahit may sakit na si Zanjoe ay gusto pa rin nitong ituloy ang shooting ng kanilang pelikula.
“Na-pack up kami ng one week kasi kailangan ipa-doctor si Z (Zanjoe), sobrang namaga mata eh. Kita sa isang eksena diyan eh maga na. Ayaw pa niya ipatigil. ‘Kaya ko pang idilat,’ sabi niya,†kuwento ni Direk Wenn.
Palabas na ngayong araw sa mahigit 100 theaters nationwide ang Bromance My Brother’s Romance. Kasama ni Zanjoe sa pelikula sina Cristine Reyes, Arlene Muhlach, Joy Viado, Maricar de Mesa, Boom Labrusca, at Nikki Valdez. Reports from JAMES C. CANTOS