MANILA, Philippines - Umiral ang kamalditahan ng isang sikat na aktres nang gusto niyang ipaÂkansela ang natanguang guestings sa mga top rating shows. Pero hindi nasindak ang kanyang manager. Sa halip ay sinang-ayunan ang kapritso ng alaga.
Pero kapagdaka, ang aktres din ang sumuko. Kasi nga naman, baka bigla siyang buweltahan ng namamahala sa show at lalong madiin ang kamalditahan niya, huh!
Kaya si aktres ay tinupad na lang ang pagsipot sa natanguang show upang hindi na magkaproblema pa sa mga taong involved sa programa.
Pagka-senador ni Bong hindi na iginagalang, dumanas ng harassment sa mga kalaban ng pamilya
Ngayong eleksiyon lang namin naringgan si Sen. Bong Revilla, Jr. ng pahayag na handang silang maÂmatay ng pamilya upang ipaglaban ang mga saÂrili sa mga pananakot na nararanasan nila ngayon.
Dumanas ng harassment at pananakot ang paÂmilya at supporters ng pamilÂya Revilla kaugnay ng kaguluhang dala ng labanan sa Cavite. Kandidato sa Bacoor ang asawa niyang si Congressman Lani Mercado at kapatid na si Mayor Strike Revilla.
Vice Governor naman ang posisyong tinatakbuhan ng anak na si Jolo Revilla. Kaya naman si Sen. Bong, matindi ang proteksiyong ibinibigay sa kandidatura ng mga mahal sa buhay.
Eh, obviously, matindi ang labanan sa Cavite. Hindi na iginalang ang kanyang posisyon bilang senador kaya lumaban na siya sa mga harassment.
Naku, kung kaya lang niyang magamit ang powers niya sa Indio, pinulbos na ng senador ang kanilang mga kalaban!
Kaguluhan sa eleksiyon
Sa totoo lang, ang gulu-gulo ng eleksiyon sa iba’t ibang lugar base sa reports na aming napapanood sa TV at naririnig sa radio.
Kung hindi violence ang balita, ang kaguluhan naman sa mga machine at listahan ng mga botante ang nangingibabaw!
Botohan pa lang ang nangyari kahapon, huh! What more kung bilangan na ang nagaganap? Baka dumanak na talaga ang dugo makamit lang ang local position na hangad ng mga kandidato!
Hay naku, only in the Philippines!