Fans nadudumihan na sa mga tattoo ni Charice: Sen. Kiko mag-aasikaso na lang ng kanilang organic farm

SEEN: Ang clear pirated video ng It Takes a Man and a Woman ang palabas kahapon sa DLTB Co. Bus number 303. Ang www.pinoy-pirates.com ang nag-upload ng pirated video na tinatangkilik ng DLTB Bus Co.

SCENE: May pananagutan ang mga producer ng Party Pilipinas sa cancellation ng kanilang programa. Pinakanta nila ang mga non-singer na sintunado ang boses at ginawang host ang mga walang karapatan na maging host.

SEEN: Bumoto kahapon si Kim Chiu sa Miriam College. Defective ang PCOS machine sa polling precinct na pinuntahan ni Kim.

SCENE: Back to private life si Sen. Kiko Pangi­linan. Aasikasuhin na lamang niya ang kanyang organic farm.

SEEN: Ang presscon na ipinatawag kahapon ni Sen. Bong Revilla, Jr. dahil sa umano’y harassment sa kanya ng Philippine National Police. Mariing itinanggi ni Bong ang balita na may high-powered firearms na nakatago sa bahay nila sa Bacoor, Cavite.

SEEN: May mga bagong tattoo si Charice sa dibdib na ikinadismaya ng kanyang fans. Nadudumihan kay Charice ang mga tagahanga niya na tinalikuran siya dahil sa kanyang bagong hitsura.

SCENE: Dapat imbestigahan ng BIR ang mga online seller tulad ng beauche interna­tional_online at beaucheonlinephilippines na ginagamit ang mga Instagram account ng mga artista upang i-advertise ang kanilang mga produkto.

 

                                                          

Show comments