^

PSN Showbiz

Miss Tourism ipapakita ang iba’t ibang kultura ng Pinay contestants

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Miss Tourism World Philippines ang national beauty pageant na hindi lang naka-focus sa beauty, talent, at fitness ng mga kababaihang kasali kundi maging ang global culture, peace, art, at tradition ng kanilang ipinagmamalaki mula sa mga lugar na kanilang nire-represent mula sa buong Pilipinas na ang pageant ay binuo ng Miss Tourism World Philippines Beauty Pageant Foundation, Inc.

Ito ay taunang beauty pageant na ang highlight ay hindi lang ang talino at poise ng mga kandidata kundi pati na rin ang kakaibang kultura ng iba’t ibang pinanggalingan ng mga contestant sa buong bansa na ang grand pageant night ay gagawin sa May 17, 8:00 p.m., sa AFP Theater, Gen. Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Hangad ng beauty contest na mapalakas pa ang tourist products, fashion, at luxury goods na representative ng mga naggagandahang contestants mula sa kani-kanilang probinsiya. 

Ang mananalo naman ay ilalaban mula sa 60 to 70 delegates na mag-aagawan sa title ng Miss Tourism na gagawin sa Central South Africa sa darating na October 2013.

Ang Miss Tourism ay sponsored ng Dental First, Sundance & Fashion Exchange, Extreme Magic Sing, Lightskin by Galway, Trading, Stree Jeans, Health Minute Clinic, Krispy Kreme, Max’s Chicken, Farmacia ni Doc, Henlin, Classic Savory, Erase Placenta, UK Resort, Javanese Massage, at Orion Hotel.

 

vuukle comment

ANG MISS TOURISM

ANG MISS TOURISM WORLD PHILIPPINES

CENTRAL SOUTH AFRICA

CLASSIC SAVORY

DENTAL FIRST

EMILIO AGUINALDO

ERASE PLACENTA

EXTREME MAGIC SING

FASHION EXCHANGE

HEALTH MINUTE CLINIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with