Nasa Party Pilipinas mamaya si Marian Rivera bilang bahagi ng promo ng pelikula nila ni Richard Gutierrez na My Lady Boss na July 3 ang bagong playdate.
Puro guesting muna ang aktres habang pinag-uusapan ang susunod niyang soap at pati ‘yung nababalitang gagawin nitong sitcom. Ini-enjoy ng aktres habang wala pa siyang regular show dahil nakakaikot sa mga show ng GMA 7.
Samantala, sa May 31 na pala ang alis nito para sa US Tour ng Temptation Of Wife at hanggang June ang cast doon. Ang ina ang kasama ni Marian sa kanyang pag-alis, gusto nitong ang mommy niya ang kasama dahil first time nito sa New York at magkakaroon sila ng bonding time.
Kasama naman ni Dennis Trillo ang manager nitong si Popoy Caritativo at dating manager ni Marian pero hindi sila magkikita dahil sa Los Angeles pupunta si Dennis.
Baron tutok sa ginagawang international film
Kinumusta namin si Baron Geisler sa manager nitong si Arnold Vegafria dahil after Kidlat, wala nang balita sa kanya. Gumagawa pala ng international movie ang aktor at kung tama ang nadinig namin, sa Cebu ang shooting ng pelikula.
Waves ang title ng movie at leading lady ni Baron ang Polish-American international model-actress based in New York na si Ilona Struzik. Para mas makilala, nag-google kami at marami kaming nalaman sa kanya at sa ganda nito, hindi kami magugulat kung ma-in love sa kanya si Baron.
Si Don Gerardo Fresco ang director ng pelikula.
Asawa ni Nancy, Binay na rin ang apelyido
Sinagot ni Nancy Binay ang tanong ng entertainment press kung bakit ang apelyido sa pagkadalaga na Binay at hindi Angeles na apelyido ng asawa niya ang ginamit sa pagtakbong senador? Sabi nito, kilala na ang “Binay†sa public service. Ang asawa nga raw niya, Binay na rin ang apelyido.
Nakiusap ito sa press na kahit manalo siya, “Nancy†pa rin at hindi senador ang itawag sa kanya.
Birthday ngayong Linggo ni Nancy at 40 years old na siya. Wala siyang birthday wish kundi ang manalo at ‘pag nangyari ‘yun, new chapter at new challenge sa buhay niya ang maupong senador.