Mga paninda sa garage sale ni KC dinumog, ubos agad

SEEN: Pinilahan at dinumog ang show kahapon ng Be Careful With My Heart cast sa Shrine Auditorium, Los Angeles, California.

SCENE: Ginagawan ng isyu ang diumano’y study na nababawasan ng 3% ang popularity sa voters ng mga kandidato na iniendorso ni Kris Aquino.

SEEN: Barber shop ang negosyo na pinaplano ni James Yap na itayo.

SCENE: Walang kinalaman sa pulitika ang photo scandal ni Marjorie Barretto dahil hindi siya kandidato.

SEEN: Mabilis na naubos ang mga gamit ni KC Concepcion sa garage sale niya na ginanap kahapon sa poolside ng Garden Island Condo sa N. Domingo St., Quezon City.

SCENE: Present sina Anne Curtis, Christian Bautista, at Dr. Vicki Belo sa launch kahapon ng Belo Essentials Deo sa Trinoma Activity Center, Quezon City.

SEEN: Nakita ang former sexy star na si Angela Perez sa SM North EDSA. Tumaba na ang dating sexy star kaya hindi na siya kilala ng mga tao.

SCENE: Sa May 19, 2:00 p.m., ang screening ng Death March sa 66th Cannes Film Festival. Official entry sa Un Certain Regard ng Cannes Film Festival ang Philippine movie na tinatampukan nina Sid Lucero, Sam Milby, at Zanjoe Marudo.

       

Show comments