Namamayagpag ang karera ngayon ni Vice Ganda. Bukod sa TV shows, endorsements, at mga pelikula ay ilang beses na rin niyang napuno ang Araneta Coliseum sa kanyang mga concerts.
Aminado si Vice na kinatatakutan niya ang araw na siya ay malalaos. “Hindi na po ako magpapaka-plastik, ang pinagdarasal ko at wini-wish ko ngayon ay huwag lang ako malalaos agad-agad. Wala namang sumikat na hindi natakot na malaos. Ayokong magpakaplastik pa,†seryosong pahayag ni Vice.
“Natatakot akong malaos pero pinaghahandaan ko ‘yan. Sa ngayon pa lang ay meron na akong iniisip gawin kung saka-sakaling mangyari ‘yang hindi inaasahan na ‘yan. Kaya ipinagdadasal ko na huwag muna akong malaos kasi kung ‘di pa ako malalaos, mas malaki pa ‘yung pagkakataon na maipakita kung ano man ang kaya kong gawin at saka para marami pa akong mapasaya, †giit pa niya.
Sa Biyernes ay muling pupunuin ng komedyante ang Big Dome para sa I-Vice Ganda Mo ‘Ko sa Araneta.
Kapamilya stars kanya-kanyang selebrasyon ngayong Mother’s Day
Espesyal ang araw na ito dahil ipinagdiriwang natin ang araw ng mga ina sa buong kapuluan. Ibinahagi ng ilang Kapamilya stars ang kanilang mga plano para mapasaya ang kanilang mga ina ngayong araw.
“Words can never describe how she means to me, the fact na sa kanya ko utang ang buhay ko. I will always have gratefulness sa buhay na ibinigay niya sa akin. I’m spending it with my mom and my sisters dahil lahat ng ate ko, mga moms na sila. Sana mabigyan ako ng chance na maka-date sila, to take them out and to spend time with them,†pahayag ni Shaina Magdayao.
“I’m a self confessed mama’s boy. I’m the eldest, ‘yung bonding namin ng mom ko is very tight. She’s celebrating her 60th birthday this year and I’m planning a big celebration for her. Ako, my brother and my sister, we’ve planned out everything already to send her on vacation. ‘Yun lang naman ang gusto ni mommy eh, she wants time and she wants attention to spending time with us siblings,†pahayag naman ni Jed Madela.
Malayo man sa kanilang mga pamilya ay mayroon namang espesyal na paraan ang magkasintahang sina Melissa Ricks at Paul Jake Castillo para mapaligaya ang mga ina. “For me mothers are best talaga. I firmly believe that my mom knows best. I want it to be special but my mother is in Cebu so papadalhan ko siya ng flowers, something that will make her happy,†pahayag ni Paul Jake. “My mom is in the States so most likely I’ll send flowers and I’ll ask my brother to get her something. I really love her. I wouldn’t be the way I am today if not because of her,†pahayag naman ni Melissa. -Reports from JAMES C. CANTOS