MANILA, Philippines - Itotodo na ng ASAP 18 ang pagbuhos ng pagmamahal para sa mga dakilang ilaw ng tahanan ngayong Linggo sa engrandeng Mother’s Day celebÂration na pangungunahan ng special treat for mommies ng mag-inang Marjorie at Julia Barretto, Janella Salvador at Jenine Desiderio, at Daniel Padilla at Karla Estrada; at ang nagbabalik-telebisyon na Kapamilya actress na si Kristine Hermosa.
Meron din silang sunud-sunod na pasabog kabilang ang must-watch concert performances ng Kapamilya teen sensation na si Daniel kasama ang kanyang mga kapatid na sina Matthew, JC, at RJ; Pinoy rock icon na si Bamboo; Pinoy rapper-songwriter na si Gloc 9; at ng nag-iisang Pop Princess na si Sarah Geronimo.
Tunghayan din ang pagbisita ng lead stars ng Star Cinema movie Bromance na sina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo; at sa kaabang-abang na pagrampa ng 2013 Miss Earth Philippines candidates.
Makikiisa rin ang buong ASAP Kapamilya para sa isang malinis at matagumpay na 2013 elections na pangungunahan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Jericho Rosales, Sam Milby, Erik Santos, Jed Madela at Piolo Pascual.
Tuluy-tuloy ang selebrasyon sa ASAP center stage sa espesyal na birthday bash ng Be Careful With My Heart star na si Janella Salvador kasama ang Star Magic Circle 2013 na sina Julia Barretto, Jerome Ponce, Marlo Mortel, Kit Thompson, Liza Soberano, Ingrid dela Paz, Jon Lucas, at Michelle Vito.
At humanda sa makapigil-hiningang pasiklaban ng talento sa pagsayaw sa ultimate Supahdance showcase nina Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Empress, Meg Imperial, at Shaina Magdayao.
Saksihan din ang isa na namang world-class concert experience mula kina Vina Morales, Toni Gonzaga, Angeline Quinto, Nikki Gil, KZ Tandingan, at ASAP Sessionistas.
Maligayang araw sa lahat ng mga ina!
GMA handa na sa eleksyon
Maghahatid ngayong Lunes, election day ang GMA News and Public Affairs ng malaki at komprehensibong coverage ng Eleksyon 2013.
Magsisimula ang pagbabalita ng 4:30 ng umaga ng Mayo 13 hanggang kinabukasan ang hatid ng mga GMA News team na nakaposisyon sa 47 live remote areas sa buong bansa mula Luzon, Visayas, at Mindanao kabilang na ang mga GMA originating regional stations sa Cebu, Davao, Dagupan, Ilocos, Naga, Iloilo, Cagayan de Oro at mga satellite station sa Bacolod at General Santos.
Gamit ang pinakabagong transmission technology kabilang na ang Digital Mobile News Gathering System, ang mga live report ay ipapadala sa election hub ng GMA – isang two storey set sa loob ng pinakamalaking GMA studio na may sukat na humigit kumulang 1000 square meters.
Matatagpuan sa Eleksyon 2013 set ang massive data at call center desk at ang pinakabagong social media center na gagamit ng Google Hangout na magbibigay pagkakataon sa publiko na maging bahagi sa diskusyon. Kalapit nito ang war room na magsisilbi namang sentro ng koordinasyon ng mga nakahandang daan-daang staff.
Pangungunahan nina GMA News and Public Affairs pillars Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Jessica Soho ang nasabing coverage.
Kandidato sa likod ng mga gimik sa kampanya, ilalantad
Nakapili ka na ba ng kandidatong iyong iboboto sa Lunes? Ano ang batayan mo sa pagpili ng susunod na mga lider ng bansa?
Sa bisperas ng halalan, tutulungan at gagabaÂyan kayo ni Cheche Lazaro para mas makapili ng dapat ihalal at makita ang tunay na pagkatao ng mga tumatakbo sa likod ng mapang-akit at agaw-atensiyon nitong mga paraan ng pangangampanya sa espesyal na KampanyaSerye documentary na Ang Tipo Kong Kandidato.
Hihimayin ni Cheche ang iba’t ibang pakulo ng mga pulitiko tuwing eleksyon at kakapanayamin ang mga eksperto na siyang utak sa paggawa ng mabuting imahen para sa kanila.
Kris sinulit ang huling araw ng kampanya
Hanggang sa huling araw ng kampanya kahapon, todo suporta si Presidential sister Kris Aquino sa kanyang mga minamanok sa gaganaping eleksyon bukas.
Last Friday ay dumayo siya sa Antipolo. Sinamahan niya sina Antipolo City mayoralty candidate Casimiro “Jun†Ynares (gitna) at re-electionist Rep. Robbie Puno ng unang distrito ng Antipolo (nasa photo).
Contrary sa mga intriga kay Kris, talaga raw dinudumog ang lahat nang puntahan ni Kris kaya naman nagpapasaÂlamat ang misis ni outgoing governor, Junjun, si Andeng, sa ginawang pagsuporta ni Kris.
Bukod sa mga lokal na kandidato anim na senador naman ang ikinampanya ni Kris.