PIK: Bukas, Mother’s Day na mismo isi-celebrate ni Jennylyn Mercado ang kanyang kaarawan.
Sa May 15 pa ang birthday nito, pero ibibigay muna niya ang araw niya bukas sa kanyang mga loyal fans at doon na rin daw niya isi-celebrate ang Mother’s Day.
Ayaw naman daw ni Jennylyn ng magarbong selebrasyon. Ang mahalaga ay mai-celebrate daw niya ito sa kanyang mga supporters.
Bukas naman ay mismong kaaÂrawan ni Dennis Trillo kaya maaga siyang uuwi gaÂling Naga para maipagdiwang ito kasama ang kanyang pamilya.
PAK: Pati ang ilang malalapit na kaibigan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay tikom ang bibig sa napapabalitang magpapakasal na raw sila sa December ng taong ito.
Ang tanging sagot lang nila ay wala raw silang alam.
Kahit sina Marian at Dingdong mismo ay ayaw na ring pag-usapan ang tungkol dito Sabi naman noon ni Marian, kung sakaling meron na raw talagang plano, hindi raw nila ito itatago sa mga tao, lalo na sa kanilang fans na pinagkakautangan nila ng loob.
BOOM: Totoo kayang isang malaking weekly show ng isang malaking TV network ang tatapusin na bago matapos ang buwang ito?
Malaki raw ang kinalaman nang napipintong pag-alis ng isa sa mga main hosts nito kaya napagdesisyunang tsugihin na lang.
Pero pinaghahandaan na rin daw ang isang malaking show na kung hindi kami nagkamali, mala-reality ang format na siyang ipapalit sa matsutsuging show.
Ia-announce naman daw ito sa susunod na linggo. Abangan na lang!