Tatlo hanggang apat na miyembro ng Philippine Volcanoes, ang popular na rugby team ng bansa na umaagaw ng kasikatan sa Philippine Azkals, ang football team naman natin, ang may crush kay SoÂlenn Heussaff. Inamin nila ito nang humarap sila sa entertainment press para ianunsiyo ang paglahok nila sa 2013 Rugby World Cup Sevens na magaganap sa Moscow, Russia sa June.
Malaking pagkakataon ito para sa Volcanoes at first time na makipagkumpitensiya sa isang malaÂking inÂternational sports event na ang magiging sponsor nila ay ang FILA, isang sportswear manufacturing comÂpany na kilala sa buong mundo. Nagsimula ang FILA sa kanilang negosyo nung 1911 pa sa bansang Italya at 1983 sa Pilipinas na ang specialty bukod sa sportswear ay athletic shoes. Ang FILA Philippines ay nasa pagtataguyod nina Butch at Cris Albert.
Ang Volcanoes ay binubuo ng 10 kalalakihan na pawang matitipuno at good looking at nasa edad 20 hanggang 30. Lahat ng ina ng sampu ay mga PiÂliÂpino pero dayuhan ang kanilang mga ama. Pinamumunuan sila ng team captain na si Michael Letts, 30 years old, at ng kapatid nitong si Jake Letts, Fil-AusÂtralian; Gareth Holgate, 25, Fil-Brit; Patrice Oliver, 23, Fil-French; Matt Saunders, 24, at Ben Saunders, 20, parehong Fil-Brit; Alex Aronson, 20, Fil-Am; Justine Coveney, 27, Fil-Australian; Harry Morris, 28, Fil-Brit; at Andrew Wolff, ang tanging kakilala ng Filipino entertainment writers, edad 27, at isang Fil-Brit din.
Marami sa miyembro ng Volcanoes ay may iba pang crush bukod kay Solenn pero ’di nila alam ang pangalan. Lumabas din ang pangalan ni Rhian Ramos at isang Ana Abad Santos bilang natitipuhan ng grupo.
Hindi lamang ang FILA ang bagong poduct endorsement ng Volcanoes, sila rin ang grupong nagpapalaganap ng isang uri ng shampoo ngayon.
Samantala, inamin naman ni Solenn na talagang may plano siyang magpaÂkasal na pero hindi pa ngayon kundi mga dalawa o tatlong taon pa mula ngayon kapag siya ay 30 years old na.
“I’m twenty eight years old at the moment kaya you will be having quite a long wait to see me walk down the aisle,†sabi niyang nakatawa nang maispatan namin siya sa isang napakaagang umaga sa grounds ng GMA bago siya mag-guest sa Unang Hirit.
Jericho umaasa na mapapansin sa LA
Matapos siyang manalo sa Newport Beach Film Festival ng Outstanding Achievement in Film Acting para sa pelikulang Alagwa na tinampukan niya at isa siya sa nagprodyus ay na-interview si Jericho Rosales ng LA Times. Dito na nagsimula na maimbita siya sa maraming events na kung susuwertehin siya ay baka magbigay sa kanya ng magandang pagkakataon para makapag-trabaho dun.
Ang mga tao sa likod ni Echo, lalo na ang Genesis na siyang nagmamaneho ng kanyang career, ay optimistic na may magandang mangyayari sa aktor matapos siyang manalo sa Newport Beach.