^

PSN Showbiz

P-Noy lumalaki ang gap kina Bong at ER

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang dumarami ang mga taga-showbiz na nagkakaroon ng tampo kay Presidente Noynoy Aquino. Nariyan na ang gobernador ng Laguna na si ER Ejercito. Nadagdag pa si Sen. Bong Revilla, Jr. At kapag kagalit niya ang mga ito, kasama nang nagtatampo sa kanya ang mga pamilya at supporter ng mga nabanggit.

Magiging mahirap ang pagtahak ni P-Noy sa matuwid na landas kung mababawasan ang mga nakakasama niya.

Wala bang magagawa si Kris Aquino para mabawasan ang gap na namamagitan sa pagitan ng kanyang kuya at ng mga opisyal ng bayan na sina Bong at ER?

Boy matagal nang nakakatulong kahit hindi pa sumasabak sa pulitika

Lalaban daw sa pagka-gobernador sa kanyang lugar sa Borongan City, Eastern Samar si Boy Abunda sa susunod na eleksiyon.

Aba eh mabuti naman. Nasa dugo naman niya ang pulitika. At nakasisiguro ang lahat na magi­ging isang mabuti itong lingkod bayan. Hindi pa man ito pulitiko ngayon ay marami na ang natutulungan niya, gaano pa kaya kung mahalal na siya?

Mga nangako ng tulong sa showbiz inaasahang hindi makakalimot

Ang daming pulitiko na nangako ng tulong para mapasiglang muli ang industriya ng ating pelikula. Sana naman kapag nahalal sila ay hindi sila makalimot. At sana ’yung mismong nanggaling sa showbiz ang mamuno sa kanila. Kapag ang unang makakalimot ay mga dating kasamahan, paano pa tayo makakaasa ng pagbabago at kaunlaran?

Huwag naman sana kayong makalimot.

                                             

BONG REVILLA

BORONGAN CITY

BOY ABUNDA

EASTERN SAMAR

JR. AT

KRIS AQUINO

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with