MBC nag-uwi ng limang Golden Dove torphy
MANILA, Philippines - Nag-uwi ng limang tropeo mula sa nakaraang 21st Golden Dove Awards na iginawad ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang mga istasyon ng Manila Broadcasting Company.
Tatlo ang nakuha ng DZRH, ang flagship station ng MBC, habang tig-isa naman ang Aksyon Radyo at Radyo Natin.
Muling hinirang bilang Best Culture and Arts ProgÂram ang Art2Art, tampok si Lisa Macuja-Elizalde.
Malugod naming tinanggap ni direktor Salvador Royales ang parangal sa Best Radio Drama para sa May Pangako ang Bukas.
Iginawad naman sa Radyo Balintataw ang troÂpeo para sa Best Radio Documentary para istorya nito sa pagkamatay ni Benigno Aquino Jr.
Itinanghal bilang sa Best Newscast (Provincial) ang DWOK Aksyon Radyo Iloilo, habang pinarangalan naman bilang Best FM Station (Provincial) ang Radyo Natin.
- Latest