Nine months walang soap sa GMA 7 si Carla Abellana at sa Party Pilipinas at nitong huli’y sa Bubble Gang lang siya napapanood. Dapat magtatambal sila ni Raymart Santiago sa fantasy drama na Mrs. Snow White pero hindi natuloy dahil mahaba ang preparasyon at may mga problema na pumasok.
Pero walang maisip na rason si Carla para umalis sa network at lumipat dahil sabi nito, hindi naman siya nawalan ng trabaho, nagkaroon siya ng time sa kanyang endorsements at nakapagpahinga. Worth the wait din pala sa kanya ang bagong soap na pagtatambalan nila ni Dennis Trillo na kahit natagalan, perfect para sa kanya dahil kakaiba ang concept ng My Husband’s Lover.
“Nang malaman ko ang gagawin namin ni Dennis, ang tanong ko agad ay kung ready na ang network sa ganoong concept. Gusto ko siya and finally, they come up with a different story at alam ko namang ready na ang viewers. Sana, campy ang treatment para nakatatawa,†wika ni Caala.
Si Suzette Doctolero ang head writer ng My Husband’s Lover sa direction ni Dominic Zapata.
Nakialam ang press sa aktor na gaganap na mister ni Carla at okey sa kanya kung si Ryan EigenÂmann na kapatid ng BF niyang si Geoff Eigenmann ang gaganap na asawa niya at okey din sa kanya kung may kissing scene sila, pero dahil hindi nag-audition si Ryan, hindi ito mangyayari unless gustuhin ng network.
Very “in†ang story ng My Husband’s Lover, isang fashion stylist si Carla bilang si Lally, maraming pagdadaanan ang kanyang karakter.
Mother Lily secret love Si Gringo
Ikinatuwa ni Mother Lily Monteverde ang ibinigay na bouquet of flowers ni Sen. Gringo Honasan nang ipa-presscon niya ito.
Si Sen. Gringo rin ang senatoriable na kumanta sa harap ng entertainment press, sinagot niya ang kanta ni Mother Lily na Secret Love ng You’reThe Best Thing That Ever Happened To Me. Nagpalitan ng kanta ang dalawa after aminin ni Mother Lily na secret love niya si Sen. Gringo.
Manugang si Sen. Gringo ang singer na si Barbie Almabis, wala ito sa pressÂcon, pero parang siya ang kumanta ng jingle ng senador. Ang anak na si Martin Honasan, mister ni Barbie ang nasa TVC endorsing his father kaya hindi hard sell ang TVC, kaya mas totoo ang dating.
Agree ang press sa sinabi ni Sen. Gringo na ang kalaban ng mga Pinoy ay gutom, edukasyon, kakulangan ng hanapbuhay, education, and health. Pero kailan kaya matutugunan ang mga problemang ito?
Sid pinapatos kahit Cameo role lang
Sa paniwalang “there’s no small roles only small actors,†hindi na kami nagulat kung bakit pumapayag si Sid Lucero na mag-cameo, mag-special participation at ngayon ay kontrabida na ni Richard Gutierrez sa Love and Lies.
Maganda ang working relationship ng cast ng Love and Lies, humanga si Sid kay Richard dahil knowÂledgeable raw pagdating sa script at talagang binabasa at ‘pag kailangan ng revision, idea nila ni Direk Mark Reyes ‘yun. Proud din siya sa team nila dahil pare-pareho ang gustong mapaganda ang suspenserye.
Samantala, excited na si Sid sa pagsisilang ng GF niyang si Bea Lao sa baby girl nila sa August.
Aktres na may hulugang kotse at condo, mawawalan na ng trabaho
Namumurublema ang isang aktres dahil hindi ni-renew ng kanyang home network ang kanyang kontrata na guaranteed pa naman na ibig sabihin, kaÂhit hindi siya bigyan ng project, patuloy siyang may suweldo.
Hindi alam ng aktres ang gagawin dahil kung hinÂdi magbabago ang isip ng network, last project na niya ang isang primetime soap kung saan siya kasama sa cast. Kaso malapit nang magtapos ang soap, kaya kailangan nang kumilos ng aktres dahil may hinuhulugan siyang condo unit at sasakyan.
Kailangan nilang mag-usap ng kanyang maÂnaÂÂÂger kung ano ang gagawin, hindi puwedeng maÂÂÂÂÂbaÂkante ng matagal ang aktres dahil bukod sa mga hinuhulugan, suportado pa niya ang kanyang paÂÂmilya. Matagal na sa network ang aktres at ‘pag lumipat siya ng ibang network, panibagong pakikiÂsama na naman at adjustment.
Mabait at magaling din naman ang aktres, sana i-renew ng network ang kanyang kontrata.