Sa susunod na Biyernes na gaganapin sa Araneta Coliseum ang concert ni Vice Ganda na may titulong I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta. Kaabang-abang daw ang bawat production number ng komedyante at lahat ng kanyang mga guests para sa nasabing event. “Mas matinuan na ‘tong concert.
Lahat ngayon ng mga ginagawa ko puro matinuan na. ‘Yung term na natutunan ko is ‘You need to professionalize everyÂthing.’ Hindi na puwede ‘yung bara-bara na lang. Tapos ka na doon sa mga coÂmedy bar shows. Kailangan legit na ‘yung hitsuÂra ng mga ginagawa mo. Kaya ito mas professional ang dating at tsaka mas nahimay, mas areglado lahat,†paliwanag ni Vice. Kaabang-abang din daw ang lahat ng mga damit at costume na isusuot ni Vice sa kanyang concert ngayon. “Kasi ‘yung mga una kong concert, katulad noong unang-una, naaalala ko pa nga walang stylist ‘yun. Ako lang ang nag-style ng concert. Hindi ko alam na mayroon palang gano’n, mga stylist-stylist. Ngayon mas marami akong katulong kaya mas maganda ‘to, mas pasabog,†dagdag pa ni Vice.
Sobrang pinaghandaan daw niya ang concert kaya nag-research daw talaga si Vice ng mga bagong konsepto na gagawin para rito. “Ang dami kong pinanood na concerts. Nag-abroad pa ako para panoorin ng personal ‘yung concert ni Madonna. Pinanood ko rin ‘yung concert ni Britney (Spears). InaÂlam ko kung ano ba ‘yung uso ngayon sa concert scene at in-adapt ko ngayon dito sa Pilipinas kasi hindi pa ako nakakita ng gano’n, ‘yung may istorya, kasi sina Katy Perry gano’n rin, tapos supported ng mga videos ‘yung buong concert kaya may mga gano’n akong ginawa,†kuwento pa niya.
Maricar, pinabait ni Direk Wenn
Madalas na kontabida ang mga nagiging role ni Maricar De Mesa sa mga teleserye na kanyang ginagawa. Ngayon ay binigyan daw ng pagkakataon ni Direk Wenn Deramas na ibahin ang imahe ng aktres sa pelikulang Bromance na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo. “Ang unang tanong sa akin dito is kung ano role ko. Sabi ko, ‘Hulaan n’yo…’ sasabihin nila kontrabida pero sabi ko, ‘Para maiba naman.’ Alam n’yo natutuwa ako kay Direk Wenn kasi binabago niya ‘yung role ko kasi most of the time kontrabida ako. Si Direk Wenn pinapakita niya ‘yung kabilang side ko na ‘yun, na puwede akong hindi maging kontrabida. Kaya sobrang thankful ako sa kanya sa tiwala na binibigay niya sa akin,†nakaÂngiting pahayag ni Maricar.
Maituturing daw ng aktres na ito rin ang kanyang pagbabalik-pelikula dahil mahigit apat na taon na raw siyang hindi nakagagawa nito. “Ang last guesting ko sa movie kay Maryo J. Delos Reyes pa eh, sa isang indie film. Ang naging working title niya Torotot pero hindi ko alam kung anong ginamit niya talaga, napanood ko na lang sa UP Film Center. Ang tagal ko na palang hindi nag-movies,†natatawang kuwento ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS