Teleseryeng kasalukuyang napapanood may malaking pagbabago!

Excited na ako sa malaking pagbabago sa isang teleserye na sinusubaybayan ko.

Sayang nga lang dahil hindi ko pa puwedeng i-reveal ang sorpresa na inihahanda ng production staff sa teleserye na tinutukoy ko.

Hihintayin ko muna ang go-signal ng TV executive na kausap ko. Kapag pumayag siya, ako ang unang-unang magbabalita sa inyo sa changes na mangyayari sa favorite teleserye ng televiewers.

Daboy naalala rin kay Gringo Honasan

Hindi ko na pinuntahan ang presscon ni Mother Lily Monteverde para kay Senator Gringo Honasan dahil hindi ko type ang mga presscon sa gabi.

Tama na ‘yung nagpunta ako sa presscon ni Mother para kay Congressman Sonny Angara noong Martes ng tanghali.

Kung umapir ako sa presscon ni Papa Gringo, baka kung ano lang ang maitanong ko tungkol sa mga closet queen sa military. Bukod kay Senator Sonny Trillanes, si Senator Gringo ang isa sa mga former military man na hinahangaan ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez. I should know dahil may ikinuwento noon sa akin si Daboy tungkol kay Papa Gringo na naging dahilan para hangaan niya nang todo ang original rebel soldier na naluklok sa senado.

Edward Hagedorn hindi sumasagot ng telepono

Sinubukan ko na tawagan sa cell phone si Senatoriable Edward Hagedorn dahil may important message ako sa kanya.

Ring nang ring lang ang cell phone ni Papa Edward. Sure ako na wastong numero niya ang ibinigay sa akin ni Willie Revillame.

Nagmalisya tuloy ako na baka naka-store rin sa cell phone ni Papa Edward ang numero ko kaya hindi niya sinasagot sa tuwing tumatawag ako. Ano sa palagay n’yo?

Sinagot man o hindi ni Papa Edward ang aking phone call, iboboto ko pa rin siya dahil ang mga kagaya niya ang dapat mabigyan ng puwesto sa senado.

Annabelle Rama, nagpapasalamat agad

Sa Lunes pa ang eleksiyon pero ngayon pa lang, ipinapaabot na ni Annabelle Rama ang kanyang taos-puso na pasasalamat sa mga kababayan niya sa North Cebu.

Hinding-hindi na malilimutan ni Annabelle ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Cebuano. Feel na feel daw niya ang pagmamahal at pagpapahalaga ng kanyang mga kababayan.

Walang kapaguran si Annabelle sa pag-iikot at pasasalamat sa mga Cebuano. Kumbaga sa pelikula, blockbuster ang lahat ng mga kampanya ni Bisaya, may big stars man o wala.

Kumakandidatong house representative ng North Cebu si Annabelle. Mula nang magdeklara siya ng kandidatura, nanirahan na siya nang permanente sa Cebu. Lumuluwas na lamang siya sa Maynila kapag may mga importanteng okasyon o meeting na kailangan ang kanyang presence.

Grand reunion

May reminder si Eddie Sandoval, ang presidente ng Class of 1975-1976 ng Pedro Guevarra Memorial High School.

Tuloy na tuloy raw ang Klasebentisiks, ang 37th Alumni Homecoming and Grand Reunion na may theme na May Tikas Na! May Asim Pa Rin! at gaganapin sa May 11 sa Cultural Center of Laguna, Provincial Capitol, Sta. Cruz, Laguna.

Show comments