^

PSN Showbiz

Kaye Abad at Denise Laurel magkakabaliktad ng role

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang kanya-kanyang tagumpay sa mga teleseryeng Precious Hearts Romances Presents Paraiso at Angelito: Ang Bagong Yugto, handang-handa na sina Denise Laurel at Kaye Abad para sa bagong soap at bagong mga papel na gagampanan nila sa inaabangang family drama na Annaliza. Kakaiba ang kanilang pagganap sa nasabing teleserye dahil kung dati’y si Denise ang kontrabida, siya naman ngayon ang mapagmahal at mahabaging si Isabel na mapapalapit ang puso kay Annaliza.

Si Kaye naman, na nakilala sa mga mababait na roles, ay gagampanan ang papel ng kontrabidang si Stella na siyang nakatakdang magbigay ng miserableng buhay sa bata. Makakasama nila Kaye at Denise sa Annaliza ang susunod na teleserye princess na si Andrea Brillantes, mahuhusay na mga aktor na sina Zanjoe Marudo, Patrick Garcia, at Carlo Aquino, pati na ang rising teen sensations na sina Khalil Ramos, Sue Ramirez at Kiko Estrada. Ang Annaliza ay isang family drama tungkol sa isang batang puno ng pagmamahal sa kanyang puso at bagama’t inaapi, ay patuloy na kumakapit at nananalig sa Diyos.

Para sa mga update tungkol sa Annaliza, manatiling nakatutok sa ABS-CBN, i-like ang Facebook page nito sa https://www.facebook.com/Annaliza2013, sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit ang hashtag na #Annaliza.

ANDREA BRILLANTES

ANG ANNALIZA

ANG BAGONG YUGTO

ANNALIZA

CARLO AQUINO

DENISE

DENISE LAUREL

KAYE ABAD

KHALIL RAMOS

KIKO ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with