MANILA, Philippines - Marami na ang nakakikilala kay Tintin Ng bilang isang artista na mahusay magpatawa.
Ngunit ang hindi alam ng mga tao, sa likod ng kaniyang bawat ngiti ay may itinatago siyang nakaraan na kay hapdi.
Ngayong Sabado, sa espesyal na pagtatanghal ng Magpakailanman para sa Mother’s Day, itatampok ni Ms. Mel Tiangco ang kuwento ng buhay ni Tintin Ng, isang batang ina.
Hinalay nang siya ay onse anyos, nabuntis nang siya ay twelve years old, at nanganak nang tumuntong sa muÂrang edad na trese. PaÂano niya hinarap ang maÂdilim na kinabukaÂsan? At paano niya ito niÂlagÂpasan para maging Tintin Ng na kilala natin ngayon?
Sa natatanging pagganap ni Krystal Reyes bilang Tintin, alamin kung paano hinarap ng isang batang ina ang mga pagsubok at dagok na dinala ng kapalaran sa kaniyang buhay.
Mula sa masusing direksiyon ni Maryo J. delos Reyes at mahusay na panulat ni Senedy Que, sundan ang tunay na kuwento ng buhay ni Tintin ngayong Sabado sa Magpakailanman – Batang Ina: The Tintin Ng Story, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.