Kakaibang girl power tampok sa Sine Ko 5ingko

MANILA, Philippines - Bago ipagdiwang ang Mother’s Day sa dara­ting na Linggo (ika-12 ng Mayo), tampok sa Sine Ko 5ingko ng TV5 ang tatlong Hollywood blockbusters na pinagbibidahan ng mga pinakahina­hangaang actresses sa buong mundo. Kasabay ito ng pagsisimula ng bagong pampamilyang fanta­serye ng Kapatid Network, ang Cassandra: Warrior Angel. Ngayong Lunes, Martes, at Hu­webes, mapapanood ang kakaibang level ng  girl power tuwing 7:45 ng gabi.

Napanood kahapon Lunes si Angelina Jolie sa Lara Croft: Tomb Raider kung saan kasama niya sa adventure ang kasaluku­yang gumaganap na James Bond na si Da­niel Craig at ang ama nitong si Jon Voight. Ngayong­ Martes naman (May 7), mapapanood sa Sine Ko 5ingko­ ang Charlie’s Angels, na hango sa kilalang American TV show noong 1970s. Samahan sina Drew Barrymore, Cameron Diaz, at Lucy Liu na makakaharap ang isang computer genius na gustong saktan ang kanilang boss na si Charlie.

Mapapanood naman ang mga exciting games ng PBA sa TV5 sa Miyerkules at Biyernes ng gabi. Sa Huwebes (May 9), tunghayan kung paano matatagumpayan ng Oscar® winner na si Natalie Portman ang corrupt nilang pamahalaan sa futu­ristic movie na V for Vendetta.

Sa mga handog na movies ng Kapatid Network, libre nang mapapanood ang mga certified Hollywood hits na tiyak kaaaliwan ng buong pamilya.

 

Show comments